Sangyaw Festival ng Tacloban nagsimula na

PORMAL nang inumpisahan ang Sangyaw Festival ng Tacloban City kagabi, ika-24 ng Hunyo.

Tatagal ang naturang festival hanggang katapusan ng buwan upang ipagdiwang ang kapistahan sa lugar at pagbibigay pugay sa kanilang mahal na patron, ang Sto. Nino.

Sinimulan ang festival sa pagbibigay ng mga parangal sa mga natatanging institusyon ng lungsod. Kabilang dito ang Kapangian Central School (KCS) na tinanghal na pinakamagaling sa pagpapatupad ng Brigada Eskuwela. Kinilala din bilang pinakamagaling ng punong tagapamahala ng KCS ang principal nitong si Monina E. Gabrino.

Naging masaya ang pagbubukas ng Sangyaw Festival na dinaluhan ng mga mahahalagang opisyal ng lungsod ng Tacloban. Ipinakita sa naturang okasyon ang iba’t-ibang mga manananghal ng ipinagmamalaki ng lungsod.

Ang Sangyaw ay pinamumunuan ni dating aktres Cristina Gonzales-Romualdez. Si Cristina ay ang first lady at konsehal ng lungsod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply