Sangyaw parade lalarga na

ISA sa pangunahing aktibidad ng Sangyaw festival ng Tacloban City ay ang makulay na parada na tatampukan ng mga grupo na maglalaban-laban para sa pinakamagaling na performance.

Kabilang sa mga paparada ay mga kapuso stars ng pinangungunahan ng Captain Barbel float ni Richard Gutierrez.

Ang Sangyaw na inorganisa ni dating aktres at City Councilor Kristina Gonzales-Romualdez ay dalawang taon na umaarangkada matapos itong itatag ng konsehala makaraang magkaroon ng lamat ang samahan ng mga Romualdez at Petilla, ang dalawang higanteng pulitikong angkan sa lalawigan ng Leyte.

Noong nakaraang Lunes ay pinaharang ng asawa ni Kristina na si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang Pintados-Kasadyaan parade dahil sa hindi umano ito sinunod ng kanyang ibinigay na rota ng parada.

Binigyan ang Pintados ng kakaibang rota at hindi ito pinadaan sa mga major city roads. Nagkaroon ng sagutan ng maaanghang na salita ang kampo ni Romualdez at Petilla.

Ang Pintados ay pinamumunuan ng mga Petilla. Kabilang sa mga sumusuporta nito ay sina An Waray Party List Representatives Bem Noel at Niel Montejo. Sumama rin sa naunsiyaming parada ang Vice-Mayor ng Tacloban na si Atty. Arvin Antoni.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply