Sansona, Gonzales naghari sa ‘Batangas Rumble’

NAGPAKITANG GILAS si undefeated Super Featherweight prospect Roberto “Calibre” Gonzales sa sa main event of RUMBLE: Independence Day Showdown sa Agoncillo, Batangas.

Dinurog niya si dating WBO 130 lbs. AsPac Champion Amor Tino kaya umangat ang kartada niya sa W18(KO10)-L0-D0.

Dinomina ni Gonzales ang halos lahat ng rounds at sa tindi ng mga kombinasyon ay hindi na tumagal ang laban.

Napahiga si Tinos a canvass sa Round 3 at nabigong makabangon sa bilang ni referee Ver Abainza.

Sa supporting main event, ang isa pang undefeated Light Flyweight contender na si Lolito Sonsona ay nanalo rin at umangat ang record sa W14 (KO5)- L0 – D2.

Giniba ni Sonsona si Marvin Avila at natapos ang laban sa sixth round kung saan naputukan ang mata ng kalaban.

Sa undercards, nanalo si Featherweight Van Bantilan kay Vic Racoma habang giniba rin ni Jun Doliguez sa pamamagitan ng knock out si Mike Tumbaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply