Sawi sa pag-ibig, helper nagbigti

DAHIL sa pagkasawi sa pag-ibig, isang helper ang nagbiti nang hiwalayan ito ng kanyang kasintahan kaninang madaling araw sa Pasay City.

Patay na ang biktimang si Ronaldo Segundo y Ugaban, 34, tubong-Pangasinan, ng 2639-J Gamban Ext., Pasay City, nang matagpuan ng tiyahin ng biktima na si Michel Idanan.

Nakita na lamang na nakatali ang isang kulay asul na nylon cord sa leeg ni Ronaldo.

Ayon sa barangay kagawad na si Ruel Villanueva, bago nagpakamatay, nakita pa umano niya ang biktima na nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa harap ng kanilang bahay ng Lunes, dakong alas-siyete ng gabi.

Makaraan ng masayang pakikipag-inuman, umuwi na ang biktima sa kanilang bahay para matulog.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin, ng Station Investigation & Detective Management Section (SIDMS), nakita ring buhay ang biktima dakong ala-una ng madaling araw na malungkot at malalim ang iniisip.

Makaraan ang ilang oras, nakitang na lamang na umakyat ang biktima sa kanyang bahay kung saan inakala ni Idanan na ito ay matutulog lamang.

Dahil nakagawian ng pamilya na gumising ng maaga, nakita ng mag-asawang Indanan ang bangkay ng biktima sa ground floor na nakibitin habang nakapulupot ang nylon cord sa leeg at itinali ang dulo sa kisame.

Walang nakitang suicide note sa biktima at sinabi ng tiyahin nito na maaaring pagkasawi sa pag-ibig ang motibo ng pagpapakamatay ng kanyang pamangkin dahil naungkat nito na nag-break na sila ng kanyang girlfriend na umuuwi sa Paco, Manila.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply