Seaman commission lilikhain ng Senado

LILIKHA ang Senado ng isang hiwalay na komisyon para sa maglalayag o marino upang maprotektahan ang kanilang karapatan at kagalingan dahil walang batas na para sa naturang sektor.

Inihayag ni Sen. Loren Legarda na nakapaloob sa Senate Bill 1404 ang pagtatayo ng National Seafarers Commission at lilikha rin ng Magna Carta of Filipino Seafarers sa ilalim naman ng Senate Bill 1351.

“Filipino seafarers have been plying the world’s seas for over five centuries. The advent of globalization led to the steady increase in the number of registered seafarers. In fact, about 28.1% of the world’s maritime workers are Filipinos,” ayon sa senador.

Base sa records ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA), umaabot lamang sa 36,035 marino ang naipadala ng bansa noong 1975. Ngunit, nitong 2009, umabot na sa 330,424 ang seaman na naipadala ng bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“Filipino seafarers have been given inadequate attention in our society. Despite incidents of abduction, unjust compensation and on-board accidents that have been reported, no legislation has been passed to protect and uphold their rights. Most of the policies and programs catering to the needs of migrant workers are designed for the conditions and situation of land-based workers,”  giit ng senador.

Sinabi ni Legarda na kailangan magbuo ang Senado ng Magna Carta of Filipino Seafarers upang mabigyan ng garantiya ang kanilang karapatan at makataong kondisyon sa pinagtatrabahuhan at sapat na kumpensasyon sa pamamagitan ng mga manning at crewing agency na magbibigay ng kaukulang impormasyon hinggil sa kondisyon ng mga marino kabilang ang pandaigdigan at lokal na batas na mag-aaplay sa mga Pinoy seaman.

Kailangan din umanong magtayo ng National Seafarers Commission upang magsilbing centralized government agency na magbibigay ng kaukulang serbisyon, superbisyon, regulasyon at pangangalaga sa pangangailangan ng mga marino upang mahubog sila bilang globalized professionals.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply