Secretary Leila de Lima pinagbibitiw

DAHIL wala umanong tiwala si Pangulong Aquino kay Justice Secretary Leila de Lima, kaya makabubuting magbitiw na ito sa pwesto.

Ito ang naging pahayag ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong matapos mapag-alaman na hindi umano pinakikinggan ni PNoy ang mga inilalabas nitong rekomendasyon.

Ani Datumanong ang hindi pagsunod ni PNoy sa rekomendasyon ni de Lima ay isang senyales na walang tiwala ang pangulo sa kalihim.

Inihalimbawa ng kongresista ang naging rekomendasyon ni De Lima sa usaping kinasangkutan ni Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres at ng IT provider nitong Stradcom Corp.

Paliwanag ni Datumanong, ito na ang ikalawang pagkakataon na nagbigay ng rekomendasyon si de Lima na hindi pinakinggan ng pangulo kung saan ang una rito ay ang ukol sa Luneta hostage incident.

Giit ng kongresista na kung siya umano ang nasa kalagayan ni de Lima ay hihilingin niyang palitan siya ng pangulo dahil indikasyon umano ito ng kawalan ng kumpiyansa sa kanya.

Pinayuhan pa ng kongresista si PNoy na dapat itong makinig sa numero unong legal adviser nito sa katauhan ng kalihim ng DOJ at inihalimbawa nito noong panahon na siya pa ang kalihim ng DOJ ay wala umano siyang rekomendasyon na hindi ipinatupad at tinanggap ng Pangulo.

Bagama’t karapatan aniya ng pangulo ang magtanggal at magpalit ng gabinete ay makabubuti aniyang making siya sa panukala at suhestyon ng kanyang mga opisyal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply