Second win target ng B-Meg

PUNTIRYA ng B-Meg Derby Ace Llamados ang ikalawang panalo habang tatangkain ng mga namemeligrong Alaska Aces, Powerade Tigers at Air21 Express ang makaiwas sa maagang pagkakasibak sa ginaganap na PBA Governors Cup sa ikatlong laro nila mamayang gabi sa Araneta Coliseum.

Pawang  tangan ang 0-2 record, ang Air21 at ang Powerade Tigers ang unang magsasagupa sa double header na susundan ng engkwentro ng Alaska Aces at B-Meg Llamados.

Matutuon ang pansin ng mga PBA aficionados kay Fil-Am forward Joe de Vance na maglalaro laban sa kanyang dating mga ka-teammate kasunod ng paglipat niya mula sa Alaska patungong AirExpress bago tuluyang makuha ng Llamados.

Sasandal si B-Meg coach George Gallen kina Peter Jun Simon na kumana ng 30 puntos  sa panalo nila laban sa Powerade Tigers, 103-90 noong Hunyo 17 at sa kanyang import na si Stefon Hannah na hindi pa naipalabas ang potensiyal sa kabila ng ipinamamalitang  tinanghal siyang NBA D-League finals most valuable player at base sa kanyang impresibong record.

Sa panig ni Aces head Coach Tim Cone hindi sila nasisiraan ng  loob dahil malakas ang paniniwala niyang makababangon sila sa pamamagitan ng bumubuting laro ng import na si Jason Forte at mga reliable local players na sina Cyrus Baguio, LA Tenorio, Sonny Thoss at Jay-R Reyes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply