Seguridad ni Michael Ray inihabilin sa NBI

NAGTITIWALA si Sen. Panfilo Lacson na matitiyak ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang seguridad ni dating Senior Supt. Michael Ray Aquino na nakaditine ngayon at nahaharap sa kasong Dace-Corbito double murder bilang is sa mga pangunahing suspek.

Ayon kay Lacson, may higit na kakayahan ang NBI at PNP na suriin ang lahat ng posibleng banta sa buhay ni Aquino dahil sangkot ang naturang mga ahensya sa pangangalap at pagsusuri ng intelligence reports.

Dahil dito, ipinauubaya ni Lacson sa NBI ang pagpapasya kung saan ikukulong si Aquino na may katiyakan na mapapangalagaan ang seguridad ng dating opisyal dahil may banta dito mula sa mga sindikatong kriminal na nalansag noon.

Nauna nang nanawagan si Lacson sa pamahalaan na tiyakin ang seguridad ni Aquino at huwag itong ikulong sa city jail dahil maaaring malagay sa panganib ang kanyang buhay sanhi ng naipakulong nitong kriminal sa panahon ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).

Ayaw naman magbigay ng komento ng senador ukol sa paglilinis ni Aquino sa kanyang pangalan at kay dating Pangulong Joseph Estrada kaugnay ng nasabing kaso.

Gayunpaman, una nang sinabi ng senador na inabswelto na siya ni Aquino sa kaso batay sa sinumpaang salaysay ng dating tauhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply