Seguridad paiigtingin sa pagbubukas ng klase

PAIIGTINGIN ng pulisya ang seguridad sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 6, upang maiwasan ang anumang uri ng karahasan sa mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila.

Nagsimula ang Command Conference kaninang umaga na pinangunahan ni Chief Supt. Allan Purisima, Regional Director ng National Capital Region Police Office sa MPD-Headquarters sa United Nations Avenue sa Ermita.

Sentro ng kanilang usapan ang pagbubukas ng klase sa Lunes.

Daang-daang pulis ang iniutos ni Purisima kay District Director Roberto Rongavilla at kay Sr. Supt. Alex  Gutierrez, deputy chief na ipakakalat sa paligid ng mga eskuwelahan sa Metro Manila.

Ayon naman kay Rongavilla, nakapokus sila sa pampublikong at pribadong paaralan upang maiwasan ang anumang banta masasamang loob.

Tutukan rin nila ang posibilidad ng “kidnap for ransom” sa mga Chinese School sa Binondo.

Bukod sa mga Chinese School, iba pang eskwelahan ay tututok din ang kapulisan sa University Belt sa Claro M. Recto Avenue hanggang sa unahang tulay ng Chino Roces na dating Mendiola.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply