Sekyu binangungot habang naka-duty

HINDI nagising ang isang 47-anyos na sekyu matapos itong bangungutin sa pagkakatulog habang nakaduty Sabado ng umaga, Hunyo 18, sa Ermita, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Ponciano Sayson, security guard ng Crime Prevention security agency  at nagta-trabaho sa Plaza Tower sa may 1175 Guerrero st. Ermita, Maynila.

Ayon kay Macaraeg, nadiskubre ng kanyang kasamahang sekyu na si Jayson Gas ang walang buhay na bangkay ng biktima sa Rm. 509 ng Plaza Tower dakong alas-7:00 ng umaga.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima kagabi,habang naka duty sa ika-limang palapag ng Plaza Tower.

Wala naming nakitang anumang palatandaan na may foul play sa pagkamatay ng biktima.

Inilagak ang bangkay sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply