Senado nabulaga sa pagbibitiw ni de Jesus

NABULAGA ang ilang senador sa “kahina-hinalang” pagbibitiw ni Secretary Jose “Ping” de Jesus sa Department of Transportation and Communications (DOTC).

Bagama’t ikinabigla ng ilan ang pagbibitiw ni de Jesus, hindi naman nila pag-aaksayahan ng panahon na arukin ang dahilan ng pagbibitiw nito sa Gabinete ni Pangulong Benino Aquino III.

“Let us not talk about possibilities. Alam mo yang mga speculation na ganyan, nakakapabigat sa bayan yan. You express a speculative kuro-kuro, it might not be the correct fact,”ani Senate President Juan Ponce Enrile.

Nanghihinayang naman si Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada kay de Jesus dahil mula ng magsilbi ito kay dating Pangulong Corazon Aquino hanggang sa anak nitong si Pangulong Noynoy Aquino ay hindi pa ito nasasangkot sa iskandalo.

“He’s an asset to this government, as far as he’s concerned he does not any bad record to speak of since he entered public service during the time of President Aquino, malinis yung kanyang pangalan hanggang ngayon. Walang bahid at dungis ang kanyang pangalan kaya ako’y nanghihinayang na nag-resign si Secretary de Jesus,”wika ni Estrada.

“It’s only the President who knows the reason why he resign,”dagdag pa ni Estrada.

Binanggit naman ni Sen. Gregorio Honasan na hindi black-eye sa administrasyong Aquino ang pagbibitiw ni de Jesus bagkus isa pa itong positibong development para na rin sa ikabubuti ng kanyang administrasyon.

Ani Recto, malamang maraming pressure ang naging “pabigat kay de Jesus na nagtulak sa kanyang pagbibitiw dahil maraming dapat itayong impraestruktura ang gobyerno sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) programs.

Ipinagkibit-balikat naman ni Sen. Francis Pangilinan ang balitang pagbibitiw ni de Jesus dahil wala naman umanong siyang nakikitang dahilan sa ganitong punto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply