Senado pabor sa modernisayon ng AFP

SUPORTADO ng mga senador ang panukala ni Pangulong Noynoy Aquino na bigyan ng P40 milyon ang Armed Forces of the Philippines para sa modernization program nito.

Sinabi ni Senador Gringo Honasan na lubhang mahalaga na mabigyan ng makabagong sandata at mga equipment ang AFP para sa pagbibigay ng seguridad sa buong bansa.

Gayunman, inirekomenda ni Honasan na dapat magtatag ng isang trust fund ang Aquino government para paglalagakan ng P40 milyon.

Layunin aniya nito na hindi mawalang parang bula ang bilyun-bilyong pisong pondo gaya noong nakaraang rRamos administration.

Ani Honasan, naihalo umano ang AFP funds noon sa general funds kung kaya nailaan ng pamahalaang Ramos sa ibang proyekto ang pondo para sa modernisasyon.

Maging si Senador Juan Miguel Zubiri ay walang tutol sa panukalang modernization budget ni Pangulong Aquino dahil marami naman aniyang pagkukunan ng pondo tulad ng Malampanya funds.

Sinabi ni Zubiri na importante ang AFP modernization para hindi pagtawanan ng Tsina at iba pang karatig bansa na walang pwersa ang bansa.

Partikular na tinukoy ni Zubiri ay ang airforce na panay “flying coffins” ang mga sasakyang panghimpapawid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply