Senador may interes sa coco levy kaya tutok sa imbestigasyon

TOTOO ba itong nabalitaan ng matang kuwago ng Remate na kaya pala madalas ang pagdalo sa pagdinig  ng Senado hinggil sa coco levy issue ay mayroong personal na interes ang naturang senador.

Matatandaang ang coco levy issue ay sinasabing pera ng mga magsasaka na pinakinabangan o ginamit umano ng mga crony ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Hindi lang umano sa pagdinig laging present at updated si senador kundi maging sa kanyang press releases.

Samantalang si Senador Joker Arroyo na minsan ding naging bahagi ng naturang usapin ay madalang pa sa inuyat ng hangin maglabas ng press relaese sa naturang usapin actually bilang na bilang nga sa mga daliri ng aking kamay.

Batay pa sa natuklasan ng ating matang kuwago ng Remate, tila  kabahagi o may porsyento rin si senador o kung hindi man isa sa malapit na kaibigan niya o kapamilya.

Hindi ko naman lubos maisip kung bakit hindi pa ipagkaloob sa mga maliliit na magsasaka ang naturang pondo gayung sila naman ang naghirap dito.

Ano ba talaga senador ang dahilan ng iyong pagtutok sa coco levy issue para nga ba talaga sa bayan o sa ilang mga negosyante o kilala sa lipunan? Nagtatanong lang po, senador.

Gusto na ba ninyong malaman at pintahan kung sino si senador na ito malamang siya ay may edad na at minsa’y nahihirapan ang pandinig kahit mayroon nang hearing aide.

Basta ang alam ko si senador ay naging bahagi din ng Edsa People Power 1 tiyak ko alam ninyo na kung hindi pa bumili kayo ng posporo para sumindi.  Ha ha ha.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply