Senador natakot, tumakbo nang gisahin ang ‘bespren’

TINALO ng mambabatas na ito si Flash sa bilis ng paglabas nito sa committee room dahil sa natakot  na gisahin o pakinggan ang gagawing paggisa sa kanyang kaibigan na gabinete ni Pnoy.

Aba’y mantakin ninyo, sa nasaksihan at napakinggan ng matang kuwago ng Remate, hindi pa man nagsisimula ang pagdinig at nang malaman ni senador na gabinete ang nakasalang sa pagdinig ay agad itong lumabas ng kuwarto.

At habang papalabas ng kuwarto ay nagpahayag pa ng: dito muna ako, hindi na ako magtatanong kaibigan ko naman kasi siya (cabinet  ni PNoy).

Pero ang tingin at amoy namin ay hindi lang kaibigan ni senador ang cabinet member ni Pnoy kundi dati siyang kliyente nito noong  halalan.

O sadyang natatakot lang si Senador kay cabinet member dahil kilala itong magaling sa matematika at sistema ng halalan na para bang magician.

Bagama’t nakaligtas ang gabinete sa kanyang kliyente, este, kaibigang mambabatas, hindi naman siya nakalusot sa tanong ng ibang miyembro ng komite na sa huli ay muntik pa itong atakihin sa kanyang puso. Kasi halos ma-tense sa tanong na ibabato sa kanya.

Basta may kamukhang cartoon character ang mambabatas na tumakbo. Kung gusto ninyo, manood kayo ng Mr. Bean at si gabinete ni Pnoy, kahit na maputi na ang buhok ko, ay hindi siya malilimutan ng mga biktima ng dayaan.

Kaya tumawag lang kayo sa telepono at sabihin ninyo Hello, Garci.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply