Senador putak nang putak habang puno ang bibig

KUNG mayroong nangangailangan ng tamang breeding o tamang pag-aasal o pag-uugali sa hapag kainan o sa pagkain, walang iba kundi ang senador na ito na walang ginawa kundi ang pumutak ng pumutak sa kabila ng mayroong lamang pagkain ang bibig nito.

Sa nasaksihan ng matang kuwago ng Remate kahit pa nagtatalsikan ang pagkaing nasa bibig ng senador ay wala itong pakialam basta ang mahalaga makapagdaldal lang siya.

Napaiiling at natatawa na lamang ang mga kaharap nitong kapwa mambabatas dahil sa inaasal ng kanilang kapwa mambabatas.

Ang dahilan pala ng pagputak-putak ng naturang senador ay dahil sa nais ding magpapansin sa media dahil sa nakita niyang iniinterview ng media ang kapwa mambabatas nito.

Ang putak at ingay ba ay tulad ng iyak at ungol ng isang baboy na kinakatay para lutuin at pagsaluhan sa isang handaan o hapag kainan.

Kaya hindi nakapagtataka kung bakit laging gutom ang naturang mambabatas at walang kabusugan sa pagkain.

Kasi kahit nakakain na siya ng dalawang set ng sandwich ay nakadalawang set pa ito ng lunch menu.

Ang takaw ns senador, huwag magtaka kung bakit malaki at parang buntis na butete ang kanyang tiyan este katawan.

Halos mawalan nga ng ganang kumain ang iba pang kaharap na mambabatas ng senador dahil sa pag-uugali nito at kadaldalan.

Remember don’t talk when your mouth is full dahil pag ginawa mo ito, isa itong kabastusan.

Ang senador na ito ay lubhang mabango at malakas kay Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III dahil kahit hindi ito magsipsip kay PNoy bumabaha ang grasya at pork barrel nito.

Kaya kayo, mga nangangailan ng baboy, este, pork barrel, dito lang kayo humingi kay Foot and Mouth Disease(FMD).

Takbo na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply