Senators sabik nang magbakasyon

AYAW nang magtrabaho ng ilang senador sa special session upang tapusin ang mga nakabinbin na panukalang batas bago ang sine die adjournment ng Kongreso.

Ang rason: nakabili na ng tiket ang ilang senador para mangibang-bansa sa panahon ng mahabang bakasyon ng Kongreso mula Hunyo 10 hanggang Hulyo 24.

Sinabi ni Sen. Franklin Drilon na kung magkakaroon ng special session sa susunod na linggo o sa anumang araw na itatakda ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, maraming senador ang kailangang mag-rebook ng kanilang tiket kung saan kailangan nilang magbayad ng malaking halaga para rito.

“Hindi ko alam kung magkano basta ang alam ko mahal ang rebooking fee,”bulalas ni Drilon.

Itinanggi naman ng senador na isa siya sa mangingibang-bansa ngayong bakasyon ng sesyon ng Kongreso.

“Marami pa akong gagawin,”wika ni Drilon.

Dahil dito, babrasuhin ng majority group ang pagpapatibay ng panukala sa pagpapaliban ng eleksyon sa Autonomous Region In Muslim Mindanao (ARMM) mula Lunes hanggang sa Miyerkules, ang huling araw ng ‘first regular session’ ng 15th Congress.

“That is why the resetting must be voted upon because the rebooking is expensive,” biro pa ni Drilon.

Plano naman ni Sen. Teofisto “TG” Guingona III na magbakasyon na lamang sa kanyang lalawigan sa Bukidnon kung saan nandoon ang kanyang farm house na napapaligiran ng taniman ng pinya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply