Senators walang P1-M dagdag sa pork barrel

PINABULAANAN kahapon ni Senate President Juan Ponce Enrile ang napapabalitang karagdagang isang milyong piso sa pork barrel ng mga senador kapalit ng pagpabor sa pagpapaliban ng eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon sa senador, hindi umano ganun kagahaman sa pera ang mga kasamahan niyang mambabatas.

Dahil dito, hinamon ni Enrile ang sinumang nagpapakalat nito na humarap sa kanya at patunayan ang nasabing alegasyon.

Giit pa ng senador, dodoblehin umano niya ang isang milyon kung mapapatunayan sa kanya ang nasabing alegasyon.

Dagdag ni Enrile, constitutionality umano ang pinagbasehan niya at ng iba pang mga senador bago bumoto ng pagpabor sa panukalang nagpapaliban ng halalan sa ARMM.

Napapabalitang kaya lang umano bumoto ng pabor sa pagpapaliban sa halalan sa eleksyon sa ARMM ang mga senador dahil sa kapalit na karagdagan sa kanilang pork barrel.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply