Senglot na ‘samurai,’ binaril ng chairman

NASA “hot water” ngayon ang isang barangay chairman matapos nitong barilin ng tatlong beses ang umano’y lasing na nanghabol na may samurai sword sa isang residente, Miyerkules ng gabi sa Tondo, Maynila.

Agaw-buhay ngayon sa operating room ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Benny Rivera, 49, ng 1559 Tindalo St., Tondo, Maynila, sanhi ng tinamong tatlong tama ng .45 kalibre ng baril sa katawan.

Hawak naman ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) si Francisco Villanueva, 62, ng 1536 F. Tuvera St., Tondo, Maynila at barangay chairman ng Barangay 257, Zone 23, District 2.

Ayon kay PO3 Donald Panaligan, dakong alas-otso ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan F. Tuvera at Tindalo St., Tondo, Maynila.

Nauna rito, isang Ronald Lucban umano dalawang beses hinabol ng lasing na si Rivera na may samurai sword, dahilan upang humingi ang una ng saklolo sa barangay na nasasakupan ni Villanueva.

Agad na nagresponde si Villanueva sa lugar kung saan nabulaga umano ito ng undayan siya ng samurai ni Rivera na nagresulta ng pagkakasugat sa kanyang kamay.

Mabilis namang naidepensa ng chairman ang kanyang sarili nang paputukan niya ng tatlong beses sa katawan si Rivera.

“Dapat kung lasing ‘yung kapatid ko at may ginawang hindi maganda, dapat isinama niya nalang sa barangay at ikinulong. Talagang gusto niyang patayin ‘yung kapatid ko dahil tatlo ‘yung tama ng baril sa katawan,” pahayag naman ng biktima na si Bobby.

I-sinurrender naman ni Chairman Villanueva ang kanyang .45 kalibreng baril (Para Ordinance), marked “ARB,” at limang live ammunition, lisensya at permit to carry.

Ayon kay PO3 Panaligan, kapwa-magsasampa ng counter complaint ang dalawa at kapwa rin isasailalim sa inquest proceedings.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply