Serye ng protesta para sa wage hike, ikinasa

INILUNSAD ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa iba’t ibang panig ng Metro Manila ang serye ng mga kilos-protesta para hikayatin ang mga pulitikong tumulad kay Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa pagsuporta nito sa P125 wage hike.

Ayon kay Elmer Labog, chairperson ng KMU, tuloy-tuloy ang serye ng kilos-protesta na kanilang gagawin hanggang dumating ang araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III upang igiit ang dagdag na P125 sa sahod ng mga mangagagwa.

Patuloy din aniya ang kanilang pangangalampag sa mga pulitiko na sumuporta sa P125 wage hike bill, na nakabinbin pa rin hanggang ngayon sa Kongreso.

Inumpisahan na ng grupo kanina ang nationwide day of protest na sinimulan sa Paco Market patungong tanggapan ng NCR Wage Board.

Agaw-atensyon sa isinagawang rally kanina ang isang miyembro ng grupo na nagsuot ng boxing gloves na tulad  ng kay Pacman at may nakasulat na “P125 wage hike now!”

Kasabay nito, nagsagawa rin ng noise barrage ang grupo sa Marikina, Monumento, Anda Circle papuntang Manila Pier, Makati-Pasay Rotonda at sa hapon naman ay sa Sta. Mesa, Maynila at Novaliches.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply