Shabu at sex den binuwag sa Laguna

NASAKOTE ng awtoridad ang 48 katao sa isinagawang drug raid sa pinaghihinalaang shabu den sa San Pedro, Laguna Biyernes ng umaga, Hunyo 10.

Sa ibinigay na report ni Laguna Police Director Senior Supt. Gilbert Cruz, hawak umano nila ang pitong search warrant sa isinagawang pagsalakay sa Barangay Cuyab dakong  ika-9 ng umaga

Nadakip sa raid ang 35 lalaki at 13 babae na pansamantalang hindi muna pinangalanan.

Sa pagsalakay ay nakuha ng raiding team ang mga  shabu na nakasilid sa mga plastic sachet at mga marijuana at iba’t ibang drug paraphernalia.

Batay naman sa ulat ni San Pedro Police chief Supt. Kirby Kraft, ang mga kubo na nasa loob ng isang maliit na eskinita ay natuklang ginagamit bilang sex den

Natuklasan pa na ang mga suki na bumibili ng droga sa halagang P500 ay maaaring pumili ng babaeng makukursunadahan para sa panandaliang aliw sa loob ng kubo.

Naging tradisyon na umano sa naturang ang pagbili at pagamit ng babae sa naturang barangay na tinatawag nilang “sex swap.”

Ang mga naarestong suspek at nakuhang ebidensya ay dinala sa regional police headquarter sa Calamba City. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply