Shabu tiangge sa Laguna ni-raid; 31 huli

NAARESTO ang 31 pinaghihinalaang drug trader matapos na salakayin ng militar at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang “shabu tiangge” sa Laguna, iniulat ng pulisya.

Ayon kay SPO4 Efren Sanchez, hepe ng pulisya, naganap ang pagsalakay sa Barangay Parian sa Calamba City dakong alas-singko ng umaga.

“Matagal na po naming sinu-surveillance iyang area na iyan. Nag-secure lang po kami ng search warrants tapos kinasa na iyong operasyon,” pahayag ni Sanchez.

Hindi naman ibinunyag ni Sanches ang pagkakakilanlan ng mga suspek pero inilarawan nito ang mga nadakip na pawang Filipinong kalalakihan at walang dayuhan.

Matapos ang pagsalakay, dinala ang mga nadakip sa Calamba police station para isailalim sa masusing interogasyon.

Sinabi rin ni Sanches na nagkaroon ng maiksing palitan ng putok sa pagitan ng awtoridad at ng tumatakas na mga suspek kaya hindi pa makumpirma kung mayroon nakatakas na drug traders.

Nakarekober ang pulisya ng marijuana, shabu (methamphetamine hydrochloride) at ilang baril mula sa luggar.

Dalawang linggo pa lamang ang nakararaan, nadakip din ng Laguna police ang may 48 hinihinalang drug trader sa isang shanty village sa bayan ng San Pedro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply