Shaina Magdayao tablado kay John Lloyd Cruz

KUNG pag-uusapan din lang ang relasyong John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, sure hit na hit ito sa masa, lalung-lalo na pag kontrobersiya ang kinasasangkutan ng magsing-irog. O, di nga ba naman? Halos lahat ng negatibong isyu na kinabit sa magsyota ay patok sa masa. Pagdating naman sa movies, halos lahat ng Kapamilya female star ay nakatambal na ni John Lloyd sa pelikula at halos lahat ng movie niya ay naging box office hits.

Kailan naman kaya sila magsasama ni Shaina sa isang pelikula?

Sa isang panayam, madiing sinabi ng actor na wala raw sa plano niya at ni Shaina na magtambal sila sa movies. Bilang mga artista kasi, lalo na pag may pelikulang ipapalabas, siguradong pag-uusapan o kakabitan ng gimik at ito ang iniiwasan ng magsyota lalung-lalo na ni John Lloyd – ang malagay muli sa intriga silang dalawa. Sa ngayon ay nakatakdang gawin ni John Lloyd ang pelikulang katambal si Angel Locsin bilang follow-up sa box office hit movie ni Angel na “In the Name of Love.”

@@@

Ruffa Gutierrez iwas lovelife

ILANG taon na rin ang lumilipas and yet wala pa rin namang pormal na pag-amin mula kay Ruffa Gutierrez anumang balita hinggil sa kanyang lovelife. Maliban kay John Lloyd Cruz ay wala ng iba pang lalaking naugnay kay Ruffa. All work and playing mother to her two beautiful daughters na sina Lorin at Venice ang naging drama ng actress/host.

Aminado si Ruffa na nakikipag-date siya pero hindi exclusive dating kundi friendly group dates lahat at madiin ding sinabi nito na hindi na muna siya magseseryoso sa kanyang lovelife hanggang hindi pa natatapos ang isang chapter sa kanyang buhay at alam naman natin ito, ang annulment case nila ng asawang si Yilmaz Bektas.

Hindi naman itinatanggi ni Ruffa na hanggang ngayon ay open pa rin ang communication nila ni Yilmaz at yun ay para sa dalawa nilang anak na miss na miss na ang kanilang daddy.Anytime na naisin daw ni Yilmaz na makita at mabisita ang kanyang dalawang anak, welcome na welcome pa rin ito kay Ruffa.

***

TSIKA ng mga bading sa parlor, wa raw swerte itong si Rachelle Ann Go pagdating sa showbiz boypren.Kasi naman, halos lahat ng kanyang naging showbiz boypren ay hindi naging maganda ang ending. Una kay Christian Bautista, na knows naman ng lahat na mas pinili ang kanyang singing career kaysa sa pakikipagrelasyon kay Rachelle.

Ganun din ang naging ending sa lovelife niya sa dating boypren na si Gab Valenciano. Di nga ba nagkaroon din sila ng word war nang mag-break silang dalawa? Ito ngang huli ay si John Prats kung saan naman parang si Rachelle Ann ang huling nakaalam na break na pala sila ng boypren. Mas nauna pa kasing kinumpirma ni John sa media ang break-up nila kaysa kay Rachelle.

How cruel naman!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply