Shalani Soledad nagmumukhang cheap kay Willie

NAG-AAYOS kami ng antenna ng aming teevee set last Saturday kaya aksidenteng napanood namin ang “Wil Time, Big Time” ni Willie Revillame.

Masaya ang programa sa kabuuan at talagang hindi bumababa ang energy ni Willie sa pagho-host.

Ang hindi lang maganda ay ‘yung huntahan at charutan ng main host at ni Konsehal Shalani Soledad ng Valenzuela. Masyadong mahaba ito at hindi nakakikilig. Halata sa audience na napipilitan lamang silang sakyan ang trip ni Willie.

Sa totoo lang, nanindig ang mga balahibo namin nang sabihin ng huli sa magandang partner niya na, “Pinaalalahanan na kita na ‘wag kang ma-inlove sa akin dahil wala akong kwentang karelasyon, hindi ka nakinig, o, tuloy ano’ng nangyari sa’yo?”

Pinagmukha ni Revillame si Shalani na patay na patay ito sa kanya.

Sinabihan pa ng alaskador na TV host ang katambal niya na sumama ito sa kanya sa Tagaytay para makatabi.

Napipi at parang nabubulunan naman si Ms. Soledad sa pagsagot sa mga diskarte sa kanya ng kanyang kapareha sa show. Pero kahit papaano nasasakyan niya ito.

Ngunit talagang hindi sila bagay sa isa’t isa. Sorry to say, pero nagmumukhang cheap ang konsehala sa pakikipaglokohan nito kay Willie.

Hindi yata magandang tingnan para sa isang public servant ang magpaka-corny at magpaka-baduy sa harap ng kamera alang-alang sa malaking talent fee.

Anyway, katakot-takot na kontrobersiya na ang pinagdaan ng show ni Willie at marami na rin ang nagbago rito mula sa titulo, format at hanggang sa mawalan ito ng komersyal ay hindi pa rin nag-improve ang hosting style ni Shalani.

Nakaaantok pa rin siyang panoorin. Ni hindi man lang mahawa sa kasiglahan at walang kapagurang pagho-host ng komedyanteng TV host.

Ano ba ang dapat nating gawin para madagdagan ng sigla at buhay ang pagsasalita ng dating syota ng mahal ni Pangulong Aquino?

Magsindi kaya tayo ng sinturon ni Judas at ilagay natin sa paanan ng dalaga habang nagh-host ito, mabuhay kaya ang diwa niya? Hahahahaha!

***

ALAM naming mabuting tao si Mayor Patrick Meneses. Kundi ba naman, ilalagay ba siya bilang ama ng bayan ng Bulacan ng kanyang mga nasasakupan?

Pagdating sa pakikipag-relasyon, mukhang sablay doon ang alkalde. Imagine, wala pa raw isang buwan ang pagkakahiwalay nito mula sa dating kasintahang si Aiko Melendez ay pinopormahan na agad ni yorme si Dinagat Gov. Jade Ecleo. Ang matindi nito, si Ms. Jade at Ms. Aiko ay magkapitbahay lang. Sus ginoo!

Ano’ng tawag do’n, kapalmuks? Tama…tama!

At si gobernadora naman ay kahihiwalay rin lang sa mister nito, s’ya pa ang napiling diskartehan ni mayor. Ano’ng tawag naman don? Mapagsamantala? ay tama!

Hehehe!

***

EVERY Saturday and Sunday ay pinanood namin ang “Pilipinas Got Talent.” Hindi namin ito pinalalampas.

Kaya lang minsan over-acting si Kris Aquino. Basta gusto niya kahit hindi naman talaga super galing puring-puri niya, lalo na kung guwapo ito. Mabuti-buti pa si Ai Ai delas Alas, nasa gitna lang kahit kung minsan ay lumalandi rin pag pogi rin ang contestant.

Si Mr. Freddie Garcia naman, napapanganga kami sa tagal niyang magbitaw ng salita. Mabagal mag-comment. Akala mo walang alam pero matalino namang tao. Naging Boss nga ng ABS CBN.

Parati tuloy naming naaalala ang yumaong si Kuya Cesar kapag nakikita namin si Mang Freddie.

Ang sabi, dala raw ‘yun ng katandaan. Pero kapag nasa kondisyon naman ay napapabilis din itong mag-comment.

***

Para sa inyong mga suhestiyon at reaksiyon, magtext lamang sa aming cellphone nos. 09324701434 at sa 09351851227. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa aming email add.- kuya_abepaul@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply