Sharapova sumuko kay World no. 6 Li Na sa French Open Finals

SA magkasunod na Grand Slam tournament ay nakapagtala ng kasaysayan si Li Na ng China.

Noong nakalipas na Australian Open, si Li ang kauna-unahang Chinese player na umabot sa finals at ang French Open ay makakapaglaro muli siya sa Grand Slam final, matapos talunin si Maria Sharapova ng Russia.

Tinapos ni Li ang pangarap ni Sharapova na makuha ang French Open title sa kanilang semifinal match sa iskor na 6-4,7-5.

“She has a huge and big serve, so I was like: ‘Please, double-fault. That way I can win the match.  I never believe myself I can be in final in French Open. I wish I can do even better on Saturday,” wika ni Li.

Makakalaban ng sixth-seed na si Li ang mananalo sa pagitan nina defending champion Francesca Schiavone at No. 11 Marion Bartoli.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply