Shortlist sa SC posts inilabas na

INILABAS na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang resulta ng botohan sa mga  nominado na papalit sa dalawang nabakanteng puwesto sa Supreme Court (SC).

Ang shortlist ay isusumite kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III  kung saan ito naman ang pipili sa papalit kina retired Associate Justices Conchita Carpio-Morales at Antonio Eduardo Nachura.

Batay sa botohan, nakakuha ng pitong boto mula sa JBC members sina Court of Appeals (CA) Justice Jose Reyes Jr. at Atty. Rodolfo Robles; anim naman ang boto nina CA Justices Bienvenido Reyes at Magdangal de Leon; habang may nakuhang limang boto sina CA Justices Japar Dimaampao at Estella Bernabe.

Alinsunod sa batas, sa loob ng 90 araw ay kinakailangang mapunan ng Pangulo ang pwesto ng bawat nabakanteng pwesto sa SC.

Samantala, pumili na rin ng ng shortlist ang JBC sa kanilang inirekomendang papalit sa nag-resign na si Deputy Ombudsman for Luzon Mark Jalandoni.

Ang mga ito ay kinabibilangan nina  graft investigator Roque Dator, Atty. Gerard Mosquera, Francis Jardeleza at Vicente Gengos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply