Si Janna Dominguez ang anaconda sa buhay ni Iwa Moto!

NAGSALITA na ang ex-boyfriend ni Iwa Moto na si Mickey Ablan. Aminado naman siya sa pagkakamaling nagawa niya tulad ng pagsugod kay Iwa sa GMA-7 na humantong sa bayolenteng away at pagbasag ng young actress ng kanyang kotse.

Aminado rin siyang mali ‘yung panunugod niya sa unit ni Iwa, idinemanda tuloy siya ng kasama sa bahay nitong si Justin Ferrer ng trespassing, malicious mischief at alarm and scandal.

Nag-apologize na raw siya kay Iwa at willing din daw siyang bayaran ang lahat ng mga nasira niyang gamit nito.

Tanggap na ni Mickey na tapos na ang apat na taong relasyon nilang dalawa dahil nang tanungin siya kung mahal pa niya ang ex-GF, sey niya ay hindi na raw.

Pero sa kabila ng nangyaring hindi maganda, ni katiting ay walang sinabing masama si Mickey kay Iwa and instead, magaganda ang mga sinabi niya patungkol sa dating girlfriend. Mabait daw ito at mapagmahal.

Pinabulaanan niya ang balitang kasal na sila ni Iwa dahil wala raw nangyaring ganu’n.

Matatandaang dati ring na-link si Mickey kay Jodi Sta. Maria at ang tsismis pa, siya raw ang third party sa paghihiwalay ng aktres at asawa nitong si Pampi Lacson.

Sumusumpa si Mickey wala raw itong katotohanan. Matagal na raw niyang kaibigan si Jodi pero hanggang doon lang daw. Ni hindi sila madalas magkausap at magkita kaya nagtataka raw siya saan nanggaling ang issue.

Mukhang naka-move-on na si Mickey dahil kay Janna Dominguez, ang dating Star Magic talent na ngayon ay nasa GMA-7 na at matatandaang sumali sa Pinoy Fear Factor.

Ganoon?

***

NAKALOLOKA itong si Dennis Trillo tungkol sa publicity niya sa kanyang anak at parinig na gimik diumano ng kampo ni Jennylyn Mercado. Since, tumahimik na siya, panindigan na niya ‘yan. Sabi nga, sino bang magnanakaw ang aamin na nagnakaw siya, di ba ?

Pero kasabay ng promo ng kanyang bagong serye, hindi rin siya nanahimik. Answerable by either yes or no lang naman ang YES Tell IT All issue. Kagaya niyan, nag-react ang biological mother ni Jennylyn, niresbakan ni Jen.

Instead na nagpaparinig si Dennis at nagmamalinis siya, sagutin na lang niya ang issue sa pananakit niya diumano kay Jennylyn since affected pala siya. Lumilihis siya ng issue by using his son as his excuse at pinapalitaw na gimmick ‘yung issue.

Sa laki ng atraso niya kay Jen, di man lang niya makuhang mag-sorry sa ginawang niyang pananakit physically.

Huwag siyang magmalinis at magmalaki. May hawak pang alas ang kampo ni Jennylyn. Konting-konti na lang lalabas na ‘yan pag nagkapikunan pa.

Ayon nga sa source namin, mas malaking dagok sa career ni Dennis ‘yun pag-ibinulgar ni Jennylyn.

***

PAGKATAPOS ng unang competitive weigh-in at elimination sa “The Biggest Loser: Pinoy Edition,” isa na ang tiyak:  Hindi na maaaring tanghaling  biggest loser si Destiny Duarte ng Red Team.

Si Destiny ang piniling umalis ng apat sa anim na ka-miyembro niya sa Red Team matapos silang matalo sa Blue Team sa naganap na weigh-in kasama ang host na si Sharon Cuneta.

Sa Blue Team din nanggaling ang Biggest Loser ng unang competitive weigh-in na  si Larry, na nagbawas ng 26 pounds o 10.2% ng kaniyang starting weight na 255  pounds.

Sabay naging opisyal na contestant si Destiny at Larry matapos nilang manalo sa isang twist sa umpisa ng programa. Pero ngayon, magkaibang landas na ang tinatahak nila.
Pero hindi pa naman huli ang lahat para kay Destiny.

Tulad ng mga nakasama nila ni Larry sa twist na sina Leigh at Andy, at ng mga susunod pang matatanggal, maaaring ipagpatuloy ni Destiny ang pagbabago sa kaniyang buhay sa labas ng camp sa ilalim ng pag-gabay ng programa.

Sa dulo ng show, ang eliminated contestant na pinakamalaking porsiyento ng timbang ang nabawas ay magwawagi ng P200,000 at 1-year membership sa Fitness First.

Ngayon palang, feeling winner na si Destiny sa mga baon niyang leksyon mula sa Camp.

“Natutunan ko kay Ms. Sharon na it is very important to love yourself. Si  Papa Derek Ramsay naman, pinaalala sa amin na magkaroon ng tiwala sa sarili na kaya mong gawin kahit ano. Kay Chingay and Jim ko naman nalaman yung ABC—Act on it, Believe in it, Conquer it,” kuwento pa niya.

“I’ve learned to value and to take good care of myself more. I now know how to control my urges to eat unhealthy foods..mainly avoiding temptations. I now believe that we can change our stars,” dagdag pa niya.

Sino sa palagay niya ang first BL winner?

“I’m rooting for these guys.. Eric, Ate Edden, Kuya Allan, Winwin, and Kuya Larry. Kahit sino sa knila.. ok naman! They deserve to win,” sagot niya.

Samantala, tuloy naman ang paglalakbay ng 13 natitirang bigating Pinoy patungo sa pagiging unang Biggest Loser ng Pilipinas na mag-uuwi ng isang condo unit mula sa DMCI Homes, P1 milyon, isang Vespa scooter, isang 40-inch Sony Bravia Internet TV, P100,000 worth of salon services from Artista Salon at lifetime membership sa Fitness First.

Makabawi pa kaya ang Red Team ni Chinggay na ilang beses nang pinataob ng Blue Team ni Jim? Kamakailan lang ay nasaksihan ng manonood ang pagiging emosyonal ni
Chinggay matapos ma-disappoint sa mga miyembro ng kaniyang team.

Nagkaroon pa ng open forum kung saan pinrangka ni Art si Eboy na dapat maging seryoso na ang resident joker ng show sa training. Pinuna rin ni Chinggay si Raffy, na umaming hindi kasing tutok sa training kapag wala si Chinggay sa camp.

Tugunan naman kaya ng natitirang anim na miyembro ng Red ang panawagan ni Chinggay? Maging kampante naman kaya ang Blue matapos ang sunod-sunod na  tagumpay?

Tumutok sa The Biggest Loser Pinoy Edition kasama si Megastar Sharon Cuneta sa Primetime Bida, pagkatapos ng “Minsan Lang Kita Iibigin” sa ABS-CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply