Si Levi Celerio, isang beterano at ang Spratlys

HAYAAN naman nating ilabas ng ating mga mambabasa ang kanilang mga kaisipan, paniniwala at damdamin sa iba’t ibang usapin sa araw na ito.

SARHENTO NG USAFFE WALA SA PVAO

Pres. Noynoy Aquino, yun pong 41st Division ng USAFFE sa Tagaytay may nakalagay na Sgt. Candido Amoroso. Buhay pa po ang asawa niyang taga-Silang, Cavite. Naku ‘di na nagkapensiyon yung matanda. Pakiayos naman po n’yo. Nakalagay ang pangalan ni Sgt. Candido Amoroso. Pagdating sa PVAO, walang record. 09309503875

SI LEVI CELERIO

To President Noynoy: Yun pong asawa ni Levi Celerio, our National Artist ay buhay pa. Baka naman po puwedeng magkapensiyon yung matanda in behalf of national artist Levi Celerio. Jack Ray – 09309503875

PUNA SA PALABAS SA TELEBISYON

Yung episode ng ABS-CBN, yun ba ang tama? Ginawang katatawanan ang mga bayani? Yung mga nagsabi na malaswa yung  isinayaw noon ng isang bata sa kabilang channel, ano ang say niyo? 09273760866

CHAIRMAN CRUZ,  BRGY. 12, CALOOCAN

Pakibulabog naman po si Chairman Bebot ‘Ipot’ Cruz ng Brgy. 12, Dagat-Dagatan, District 2, Caloocan City. Yung Sanday Domeng Abordo, planong tumakas dala ang mga bunga ng kalokohan niya sa aming lugar. Ito yung lider ng Subo-Subo gang na naghahasik ng gulo sa lugar namin. Hindi masabihan ng kapatid na si Fery Abordo at ina na si Luminada Lumeng Padilla. 09071957

KURO-KURO SA SPRATLYS

Gud pm. Sana po ibigay na lang ng Pinas ang Spratly islands kaysa itaya ang maraming buhay ng mga walang muwang. 9089230

Dapat South Asian Sea ang itawag sa South China Sea dahil nasa gitna siya ng 6 na bansa: Thailand, Malaysia, Vietnam, Philippines, China, Indonesia, atbp. 9306503

Spratly islands was discovered by Tomas Cloma in 1947. Dapat noon pa tinayuan ng  settlers ito. Nito lang na-discover na may langis kumilos ang gobyerno. 0930650

Dapat idulog ng Vietnam, Malaysia at Indonesia sa u.n. Security Council ang claim sa Spratlys. Kapag inutusan ng u.n. ang China, hindi maaaring hindi ito susunod. 9306503

Simple ang solusyon sa Spratlys. Ilagay roon o sa Palawan ang U.S. Military bases. 09306503

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM radio tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply