Sigalot sa Spratlys, titindi sa planong pagbili ng armas

MALAKI ang paniniwala ni Sen. Franklin Drilon na mas lalo pang titindi ang nagyayaring sigalot sa Spratly’s  sa planong pagbili ng armas ng Pilipinas tulad nang iminumungkahi ng embahador sa Washington.

Ayon kay Drilon, walang silbi ang pagbili ng armas upang tugunan ang pangangailangan ng puwersang nagbabantay sa Spratly Island at katabing mga isla na kasalukuyang kinukubkob ng China at nakapagtayo na rin ng garrison ang Vietnam doon.

“Pinakamatibay na sandata natin sa pagharap sa China ang ating rightful claim sa Spratly. Of course, we have firm and get our   neighbors to come to common stand, pero hindi po pwede po yun mag-arms raise tayo dyan. Bibili tayo ng armas. Hindi natin kaya ang China,” ayon kay Drilon.

Sinabi ni Drilon na dapat gamitin ng Pilipinas ang lahat ng pang-diplomatikong pamamaraan upang maresolbahan ang sigalot sa China at ang napipintong init na namumuo sa Vietnam dahil walang kakayahang militar ang ating bansa sa ganitong sitwasyon.

“We have to as I have said, hindi mo naman maitago yan at I think you can’t add to the tension anymore. Ang importante dyan ay diplomatic moves.,” giit ni Drilon.

Nitong nakaraang linggo, iminungkahi ni Ambassador Jose Cuisia sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kailangan na armas upang punan ang pangangailangan ng sundalong nakahimpil sa ilang isla malapit sa Spratly bilang tugon sa pagtatayo ng istruktura ng China at Vietnam sa lugar.

“I think you don’t have to be an expert in foreign relation to conclude hindi po tayo kayang lumaban dun. Sa akin po ang Spratly issue, pag-usapan through multilateral venues. Meaning lahat po ng mga claims dun mag-usap usap,  diplomasya ang gamitin ngunit  hindi po ako sang-ayon to have an arms raise or we purchase arms to be ready….that’s being realistic,” giit pa ni Drilon.

Kaugnay nito, inihayag naman ni Drilon na susuriin nang mabuti ng Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga kay Dominador Lee, kaibigan at kaalyado ng yumaong Pangulong Corazon Aquino, bilang bagong embahador ng bansa sa China.

“Dadaan po naman sya sa Commission on Appointments at lahat po yan ay ating iri-raise and precisicely the purpose of CA process is to determine the fitness and qualification of the nominees and China is an important embassy ng ating bansa lalo ngayon kaya tingnan natin ang qualification and fitness ng Ambassador Lee,”  paliwanag ni Drilon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply