Signal No. 1 ibinaba sa Samar, Catanduanes

INILAGAY na Biyernes ng hapon, Hunyo 17, ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa signal No. 1 ang Catanduanes at Eastern and Northern Samar dahil sa bagyong Egay.

Namataan ang bagyong Egay sa layong 250 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Si Egay ay nagtataglay pa rin ng lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 13 kilometro kada oras.

Inaashan bukas ng hapon si Egay sa 250 kilometro sa timog silangan ng Virac, Catanduanes. Sa Linggo naman ay nasa 200 kilometro sa hilaga hilagang silangan ng Virac, Catanduanes habang sa Lunes ay nasa 180 kilometro sa hilagang silangan ng Tuguegarao, Cagayan.

Samantala, humina naman ang isa pang sama ng panahon sa Pacific Ocean dahil sa naapektuhan ito ng ibang weather system.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply