Signal No. 1 ikinasa sa 8 probinsya

WALONG probinsya sa Bicol at Eastern Visayas ang isinailalim sa Storm Signal Number 1 Sabado ng umaga, Hunyo 18, nang tumuloy sa pagkilos ang tropical depression “Egay” patungong northwestward at tinutumbok na daanan ang  Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Norte and Camarines Sur sa Bicol at ang Samar provinces sa Eastern Visayas.

Dahil dito, inaasahan na uulanin ang western sections ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na huling namataan ang bagyong Egay sa layong  200 km silangan ng Catarman, Northern Samar at binabantaan nito ang  Bicol region.

Sa kanilang advisory na ipinalabas kaninang alas-5:00 ng umaga, sinabi ng PAGASA na ang bagyong Egay ay magtataglay ng may lakas na hangin na aabot sa 55 kph malapit sa sentro.

Sa Linggo na umaga, inaasahan itong nasa 110 km silangan ng Virac, Catanduanes. Sa Lunes naman ng umaga, inaasahan itong nasa 80 km northeast ng Tuguegarao City. Sa Martes ng umaga, ito ay tinatayang nasa 140 km northwest ng Basco, Batanes o 90 km sa timog ng Taiwan.

Isinailalim sa Storm Signal No. 1 ang Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Norte at Camarines Sur sa Bicol; at ang Samar provinces sa Eastern Visayas.

Samantala, hindi pa man halos nakalalabas ng bansa ang bagyong Egay ay mayroong bagong potensyal na cyclone na kapag pumasok sa teritoryo ng Pilipinas sa darating na Martes ay tatawaging Falcon. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply