Signal no.1 nakataas na sa ilang bahagi ng bansa

NAKATAAS na ngayon ang signal number 1 sa ilang bahagi ng bansa bunsod ng bagyong Egay kung saan nananatili ang lakas nito habang tinatahak ang direksyong pahilagang kanluran sa bilis na 13 kilometro kada oras.

Itinaas na ang signal number 1 sa Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur at Samar provinces.

Ayon sa ipinalabas na severe weather bulletin number 5 ng Pagasa, huling namataan ang bagyong Egay sa layong 200 kilometro sa silangan ng Catarman, Northern Samar.

Inaasahang nasa 150 kilometro sa hilagang silangan ng Virac, Catanduanes, mamayang gabi.

Inaasahang sa Linggo ay nasa 130 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan, ang naturang bagyo habang sa Lunes ay tutulak ito sa Taiwan area.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply