Sikat na singer-actress at TV executive hiwalay na

NAGULAT kami nang napanood namin sa sunday musical-variety show ng isang big TV network ang sikat na singer-actress na matagal nang hindi umaapir sa naturang network.

Kasi nairita ang mga tao sa istasyon nang patulan ng ating Diva ang kanilang Bossing na TV executive kahit na pamilyadong tao ito. Kaya hayun, banned tuloy ang
beauty niya. Siguro, tapos na ang relasyon ni singer na may sariling title sa nasabing ehekutibo na super rich kaya’t nakatuntong na naman ito sa sikat na network.

Saka, hindi ba’t may chika na imbiyerna ang magandang comebacking actress sa pretty at sexy ring Diva dahil without her knowing it ay nakikipagkita ito sa kanyang husband-politician para alukin ng kanyang bagong raket.

Yes, idol na ngayon ni singer ang mga matatandang artista na mahilig maglako ng tickets sa mga politician at mayayamang tao sa lipunan para sa mga pino-produce nilang concerts. Well, mukhang malabo namang maagaw ni Diva na hiwalay sa kanyang mister na singer at may mga anak, kay said actress ang guwapo nitong Papang politician from the south. At kung inaakala n’yong luhaan ang sikat pa ring Diva kay TV executive no no no way! dahil marami itong naharbat na properties tulad ng mansiyon at ilang luxury cars.

Wais, gyud!

***

Bela Padilla nominated bilang “Breakthrough Artist” ng Yahoo Southeast Asia

MASAYANG ibinalita ni Ms. Claire dela Fuente na nominado ang alagang si Bela Padilla sa Yahoo Southeast Asia para sa kategoryang “Breakthrough Artist.” Maganda kasi ang naging feedback ni Bela sa interview sa kanya ng Yahoo na pinalabas sa buong mundo at kasama na ang pagiging famous at controversial nito bilang actress kaya naman pasok siya sa nabanggit na category.

Kaya, sa lahat ng fans ng newcomer actress, magmadali iboto na now ang inyong idolo.

By the way, todo taping ngayon si Bela sa bagong afternoon drama program na “Sisid” kung saan sosyal na kontravida ang kanyang role at may natapos na ring Indie film entitled “Bangkang Papel” ang sumisikat na talent na ito ni Ms. Claire kung saan kasama nito sa cast sina Snooky Serna, Emilio Garcia at marami pang iba.

Malapit na ring lumabas ang sexy billboard nito sa Belo na Sexy Solutions.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply