Sikat na young singer-actress malaki ang tampo sa gay manager

HANGGA’T hindi pa nakakapirma sa kaibigan namin ng kontrata ang sikat na young singer-actress ay ikukubli muna pansamantala namin ang kanyang identity today.

Malaki pala ang kanyang tampo sa kilalang gay manager kaya nagdesisyon sila ng kanyang family na maghanap na ng ibang manager at ang naging choice nga nila ay ang baguhang talent manager na nakapagpasikat kaagad ng mga talents.

Bilib ang mother ni youngstar sa tinutukoy nating manager kaya gusto nila itong makatrabaho.

We heard na isa sa inirereklamo ni madir sa baklang manager ng kanyang daughter ay mas busy pa ito sa ibang bagay kaysa asikasuhin ang career nu’ng bata.  Imagine, ang tagal-tagal na nga namang natapos ‘yung project ni young actress sa pinaglilingkurang TV network tapos ngayon lang uli ito nabigyan ng project.

Ikaw ba naman ang lumagay sa kanyang sitwasyon, di ka ba magtatampo? Saka ilang beses na itong nagka-album lahat flop dahil hindi yata nababraso ni gay manager ang recording outfit na kumukuha sa serbisyo ng alaga.

As of presstime, inaalam na lang ng baguhang talent manager ang lagay ng kontrata ni young actress para nga naman once na hawakan niya ito ay walang magiging problema.

Tinuod (totoo) gyud!

 

**************

Derex dela Fuente At Sam Pinto Magdyowa Na?

Nag-umpisang matsismis na may bagong lalakeng idine-date si Sam Pinto sa katauhan ng nag-aartistang anak ni Ms. Claire dela Fuente na si Derex dela Fuente sa isang Internet site.

Hanggang sa patulan ito ng entertainment show ni Rhian Ramos with Nelson Canlas and Aubrey Carampel na In The Limelight na napapanood nightly sa News TV ng GMA 7. Ngayon ay pinag-uusapan na sa buong showbiz at laman na ng tabloids ang dalawa at sa kabila ng kanilang mga denials, may nakita kaming larawan ng dalawa sa Internet na magkayakap.

Tanong tuloy namin, ‘yan ba ang wala silang relasyon gayong masyado silang sweet? Nakakaintriga nga naman ang naging statement ni Sam sa isang interview sa kanya kung ano ang kanyang masasabi ngayong nali-link siya sa binata  ng kanyang manager na si Ms. Claire?

Walang kagatol-gatol ba namang sagot nito ay “Why not?”

Ibig sabihin welcome sa puso ng nasabing pretty, sexy and tall actress itong si Derex. Why not nga naman?

Pareho naman silang single, no? Saka, very lucky itong si Sam if ever na maging boyfriend nga niya si Derex dahil maliban sa mabait at gentleman ito ay marunong pa ito sa buhay at madiskarte talaga.

By the way, pagkatapos lumabas sa In The Limelight, Full Time Moms, at Magic Palayok ni Derex hayan at may mga offers na siyang natatanggap sa hosting sa ilang events kung saan maganda na kaagad ang kanyang budget.

Siya rin ang napiling kuning endorser ng famous fashion designer na si Leonard Co sa lahat ng men suits nito tulad ng polo, formal attire, barong etc. Malapit ng lumabas ang bus ads ni Derex para sa nasabing firt endorsement sa showbiz.

Goodluck gyud, Derex!

 

**************

Pambato Ng Videoke Winner May Exposure Sa Eat Bulaga

Tulad ng nag-tie sa Pambato ng Videoke sa Juan For All, All For Juan na sina Janelle at Romnick, aba kapag isa ka sa naging daily winner sa PNV ay may pagkakataon ka ng magkaroon ng bonggacious na exposure sa number one and longest-running noontime variety show na Eat Bulaga. Imagine, nanalo ka ng tumataginting na 15,000 cash ay mapanonood ka pa ng pamilya, kaaanak, at mga kaibigan mo sa national television.

Sa totoo lang enjoy panoorin ang isa sa segments na ito sa public service segment na Juan For All, All For Juan sugod-bahay sa Barangay dahil super kalog ang mga street Dabarkads hosts rito na sina Wally, Jose at Paolo Ballesteros lalo na kapag ini-interview na nila ang sinugod nilang mga contestants sa bahay.

May cash na consolation prize din na matatanggap ang hindi pinalad na manalo rito. At ang mga huhusga sa inyong singing talent ay ang paborito rin ninyong Eat Bulaga Dabarkads.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply