Siksikang bilangguan pinatututukan

TAKAW riot at hostage-taking ang sobrang siksikan o overcrowded na kulungan sa bansa.

Dahil dito, iginiit ni LPGMA partylist Rep. Arnel Ty na kailangang magawan na ng paraan ng gobyerno na ayusin ang mga presuhan sa bansa.

“Government should find ways to decongest our prisons and jails, and improve the living conditions of inmates. Otherwise, we clearly risk having to deal later on with unwanted crisis incidents, including inmates running riot.”

Ang apela ay kasunod na rin sa iskandalo ukol sa umanoy VIP treatment sa ilang mayayamang bilanggo.

Nagpalabas na ng kautusan si Pangulong Aquino na magsagawa ng reporma sa Bureau of Corrections (BuCor) sa ilalim ng Department of Justice, at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government.

Ang BuCor ang nangangasiwa sa pitong kulungan habang hawak naman ng BJMP ang mahigit sa 400 jails para sa inmates na dinidinig pa ang kaso.

Kabilang sa may pinakamaraming nakakulong ay sa Quezon City jail, na may congestion rate na 295 porciento; sinundan ng Las Piñas City jail, 259 porciento; at Manila City jail, 195 porciento.

Habang ang Camp Karingal ’s Female Dormitory ay 197 porciento na siksikan samantalang ang Paranaque City jail ay 132 porcientong puno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply