Simbahan pabor na suriin ang EPIRA Law

SANG-AYON si Antipolo Auxiliary Bishop Francis de Leon na masuri at ma-repeal ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law.

Reaksiyon ito ni de Leon, sa hiling ni Gabriela Partylist Representative Luzviminda Ilagan na i-repeal ang EPIRA Law dahil bigo umano ito bunsod na rin ng paniningil ng doble ng Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga consumer sa nakalipas na sampung taon kung kailan naipatupad ang batas.

Ayon kay de Leon, lahat ng batas ay kailangang sinusuri lalo na kung hindi akma sa kasalukuyang sitwasyon.

Paliwanag pa niya, kung hindi na nakatutulong ay dapat nang suriin at baguhin ang EPIRA Law.

“Any law kahit anong batas from time to time ay dapat sinusuri kung ito ay nakakatulong pa, kung hindi nakakatulong, halimbawa itong EPIRA law, hindi na nakakatulong, ay either i-repeal o baguhin, kasi naman itong batas, man-made yan, gawa yan ng tao at kung gawa ng tao minsan ay nagbabago ang situation, nagbabago ang circumstances hindi na akma doon halimbawa sa sitwasyon kaya kailangang baguhin para makinabang ang mga taumbayan,” ayon pa kay de Leon.

Kasabay nito, umapela ang  Obispo sa pamahalaan na magsakripisyo para makaahon ang sambayanan sa hirap at iwasang isipin ang pansariling interes lamang.

“Yung mga pinuno natin buhat sa pangulo hanggang pababa sapagkat nariyan sila nilagay sila ng mga tao, paglingkuran nila ang tao hindi ang kanilang sarili, kailan pa tayo makakaahon sa ating kahirapan kung ang iisipin ng mga pinuno natin ang kanilang sarili kaya panahon na upang isipin ang taumbayan, magpakasakit, magsakripisyo ang mga pinunong ito upang makaahon ang karamihan sa ating mga kababayan. so hindi darating ang araw na sila talaga ang sisihin,” dagdag pa ni de Leon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply