Sinagasaan ng Road Warriors ang Lhuillier Gems

WALANG ibinatbat ang kislap ng Cebuana Lhuillier Gems sa patag na daan ng NLEX Road Warriors nang isurrender ang unang laro ng Best-of-three finals ng kauna-unahang PBA Developmental League Foundation Cup sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Mula sa palitan ng mga buslo sa unang quarter na nagsara sa 19-17 pabor sa Warriors, unti-unting inalagwahan ng NLEX Coach Boyet Fernandez ang sumunod na mga quarter, 36-24 sa first half, 53-47 sa third kanto bago tuluyang isara ang kwarenta-minutong laro sa iskor na 76-62.

Nagsunod-sunod sa scoring parade sina Top Player of the Game Ronald Pascual na bumuslo ng 17, ex-PBA player Ogie Menor na bumanat ng anim sa sampu para sa total na 14 points, habang ang FilAm na si Cliff Hodge ay nag-record ng 10 points, limang boards at pitong blocks.

Samantala, sina Eric Salamat at Pamboy Raymundo ay nakapag-assist ng tig-anim bukod sa pito at walong puntos, ayon sa pagkakasunod-sunod, sa second quarter.

Pagsisikapan nang tapusin ng NLEX Road Warriors ang serye at kunin ang korona sa Game 2 bukas sa Ynares Sports Arena.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply