Sinibak na hepe ng MPD dismayado sa Ombudsman

DISMAYADO sa rekomendasyon ng Ombudsman na sibakin sa tungkulin ang isang Station Commander ng Manila Police District (MPD)  kaugnay sa pagganap lamang sa kanyang tungkulin kung saan napatay ang tinaguriang ‘most wanted man ng Navotas.’

Ayon kay  P/Supt. Ernesto Tendero, kasalukuyang hepe ng MPD-Moriones Police station 2, isang  lehitimong police operation laban sa suspek na sangkot sa pagpatay sa isang pari at brutal na pagpatay sa isang cook ang sanhi ng pagkakaroon niya ng kaso sa Office Of the Ombudsman na nagrerekomenda ng kanyang pagkasibak at mga tauhang kasama sa nasabing operasyon.

“Purely trabaho ang ginawa namin.  Wala kaming ginawang masama.  Wala kaming kinasangkutan na anomalya, ginahasa o tinarantado.  Ginampanan lang namin ang aming tungkulin at ito ang napala namin.  Nakakasama ng loob,” ani Tendero.

Ayon pa sa opisyal, ang suspek na napatay nila ay tinaguriang ‘most wanted sa Navotas’ na responsable sa pamamaslang sa isang pari na naka-bisikleta at paglaslas sa lalamunan ng isang cook  ng isang restaurant sa Tondo.

Nabatid na naghain na ng motion for reconsideration ang kanyang kampo sa Ombudmsman at naniniwala siya na mapapaburan ang kahilingan dahil wala silang nalabag na batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply