Sinibak na mga piloto ng PAL tinuluyan ng SC

WALA nang pag-asang makabalik sa trabaho ang mga sinibak na piloto ng Philippine Air Lines (PAL) matapos isapinal ng Korte Suprema ang desisyon na nagtatanggal sa mga miyembro ng Air Lines Pilot Association of the Philippines (ALPAP) na sumali sa illegal strike noong Hunyo 5, 1998.

Sa desisyon ni  Associate Justice Mariano del Castillo ng SC First Division, ibinasura ang apela ng mga miyembro ng ALPAP na humihiling na linawin kung sinu-sino sa kanilang mga miyembro o opisyal ang nawalan na ng trabaho sa PAL bunsod nang naging desisyon ng Supreme Court noong Agosto 29, 2002.

Una rito ay ipinagtibay ng SC ang desisyon ng Court of Appeals na kumakatig sa resolusyon ng Department of Labor and Employment (Dole) hinggil sa ginawang pagsibak sa mga miyembro at opisyal ng ALPAP na hindi tumalima sa return to work order na pinalabas ng kagawaran noong Hunyo 7, 1998.

Ayon sa Korte Suprema, naging pinal na ang desisyon noon pang 2002 kaya hindi na nila maaaring baguhin ang hatol.

Ipinaliwanag nito na hindi kailangang ispesipikong pangalanan kung sinu-sino ang apektado ng desisyon dahil nakasaad naman na ang nawalan ng karapatan sa trabaho ay yaong mga nagsisali sa illegal strike na hindi sumunod sa return-to-work order na pinalabas ni dating Labor Secretary Cresencio B. Trajano.

Ayon pa sa SC, walang batayan ang argument ng ALPAP na hindi nakasaad sa resolusyon ng DOLE ang mga pangalan ng ALPAP members na aktuwal na sumali sa illegal strike.

Ngunit paliwanag ng SC, ang mga lagda sa logbook na may heading na “return to work compliance/returness,” na bumalik sa trabaho makaraang magpatupad ng deadline  ang Dole ay sapat na para tukuyin kung sinu-sino ang mga kasama sa kinukuwestiyong resolution ng kagawaran.

Ang pagkakasibak sa mga piloto ng ALPAP  ay nag-ugat matapos na sila ay magmatigas na bumalik sa trabaho sa kabila ng kautusan ng Dole.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply