Sino?

NAG-RESIGN si Ernesto Diokno bilang Bureau of Corrections Chief dahil sa gulong nangyari sa Bilibid.

Ngayon naman ay nagbitiw si Jose de Jesus, and Kalihim ng Department of Transportation and Communication dahil diumano sa magkaibang pananaw nila ng Pangulo sa usapin sa Lang Transportation Office.

Prinsipyo daw kahit hindi aminin ng Palasyo at ni De Jesus. Ang binibigay na dahilan ay
dahil matanda na daw si De Jesus. Parehong malapit sa Pangulong Aquino si Diokno at si De Jesus pero marami ang nanghinayang sa pagbibitiw ni De Jesus, mas marami ang nagsabi na kawalan sya sa administrasyon ni Aquino.

Sa gitna ng kaguluhang ito sa gobyerno ni Noynoy, may mga natuwa pa rin dahil ang pagbibitiw ni Diokno at de Jesus ay paraan para mapalitan ang players sa administrasyon.

Para daw kasing basketball, pag hindi na nananalo ang team ay dapat nang magpalit ng players.

New start nga ba para sa bansa lalo sa mga ahensya ng Bucor at DOTC? Pero hindi maaalis na may nangungutya din na magbitiw na rin daw si PNoy. Wala daw kasing nangyayari sa bansa, patuloy ang paglala ng kahirapan, dumadami ang mga walang trabaho ay hindi pa rin maawat ang korapsyon sa pamahalaan.

Isang taon na halos na Presidente si Noynoy Aquino, may natatanaw ba ang bayan na
magandang patutunguhan?  Kahit mismo si PNoy, umamin na nakasalalay ang kanyang trabaho sa kung ano ang kahihinatnan ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang pamamahala. Pero giit ng ilan, para ulit basketball, pag hindi na nakakapasok sa championship at hindi na nga nananalo, kailangan nang palitan ang coach.

Pero kung papalitan si Noynoy, sino naman ang may karapatan? Si Mar Roxas? Eh ni hindi sya manalo kay Binay pa lang. Kung ikaw ang tatanungin, sapat na ba ang isang taon para husgahan ang Pangulo, na kung iispin ay malala naman na talaga ang dinatnan niyang sitwasyon ng bansa? At kung papalitan si PNoy, nino? Kanino ka may tiwala? Sino ang sa palagay mo ay may katapatan na katulad ni PNoy pero mas kayang magdeliver ng resultang pagunlad? Sino?

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply