Sinseridad ni PNoy

SA pagdiriwang ng mga Pinoy noong Hunyo 12 sa ika-113 taon ng ating  Kalayaan, muling namutawi sa bibig ni Pangulong Noynoy Aquino lll ang kanyang magandang

pangarap para sa bansa.

Tulad ng kanyang inaugural speech bilang Presidente, ikinuwento ang mga bagay na nagiging balakid,  kaya hindi makausad ang Pinas.

Sa ganang atin, paulit-ulit na sinasabi ito ng Pangulo bilang ‘paalaala’ sa mga patuloy na gumagawa ng kasalanan – na ang kanilang baluktot na gawain ay may mga matang nakatanghod.

Kasabay ng mga pahayag niyang ito, ay nakikita  natin  ang mga ginagawang hakbangin  para magamot ang sakit na ito ng bayan.

At noong Hunyo 12, muling binigyang-diin ng Pangulo ang mithiing makalaya ang bansa sa katiwalian at kahirapan.

Kumbaga, nakikita kay PNoy ang sidhi sa sarili na baguhin ang mga bagay na nagpapabigat para sa tuluyang paglipad ng Pinas tungo sa maaliwalas na bukas.

‘Transparency at Accountability’ ang nakikita nating nais ipakita sa taumbayan kaya ganon na lamang ang kanyang pagpupursige.

Sa kasalukuyang liderato nakita natin sa Palasyo ang pagiging ‘bakal’ sa pagpapalabas ng desisyon. Halimbawa’y ang pag-uutos na suspension ng 90-araw ni

Special Prosecutor Wendell Barreras Sulit.

Pakiwari natin, nani-wala si PNoy na ipinag-kanulo ni Barreras ang tiwala ng

publiko dahil sa pagsusulong ng ‘kuwestiyunableng’ plea bargain deal kay retired

Armed Forces Major Gen. Carlos Garcia.

Dahil sa aksyon na ito ng prosecutor sa kaso ni Garcia sa P303M kasong pandarambong kaya marahil, nabuwisit ang Palasyo.

Maliwanag sa ating sensya na ang aksyon na ito ng Malakanyang laban kay Sulit ay

warning o babala sa iba pang tiwaling pampublikong opisyal.

Kapuri-puri ang ginawang pagsusupinde na ito  kay Sulit. At natitiyak natin na

kung may iilan na ‘di pumabor, doble o triple naman ang mga natuwang ‘Juan dela

Cruz’ dahil tama ang naging desisyon ni PNoy sa usaping ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply