SLEX, NLEX pagdudugtungin

PAGDUDUGTUNGIN ng Department of Public Works and Highways ang dalawang pangunahing expressway sa Luzon sa isang proyektong tinaguriang SLEX-NLEX Connector Project na malaking kabawasan sa nagsisikip na trapiko sa kalungsuran at magpapabilis sa mga biyahe ng mga produkto at komersiyo.

Ang naturang proyekto ay nasa ilalim na ng negosasyon sa pagitan ng DPWH at Metro Pacific Tollways Development Corporation bago isumite sa NEDA para aprubahan.

Magsasagawa umano ng isang 13.4 kilometro na may apat na lane, sa nakaangat na expressway mula SLEX hanggang NLEX na dadaan sa Metro Manila gamit ang linya kung saan tumatahak ang Philippine National Railways. Kapag nangyari ay bibilis umano ang biyahe patungong mga puwerto at pantalan gaya ng Subic at South Harbor.

Isa ang proyekto sa tatlong tinalakay para sa PPP o Public Private Partnership na isinusulong ng pamahalaan upang maging competitive ang bansa sa larangan ng komersiyo sa pagpapaunlad ng imprastraktura.

Ang dalawa pang proyekto ay ang Daang Hari -Slex Link Project at ang NAIA Expressway Project Phase 2.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply