Smart-Gilas tiwala sa panalo kahit ‘pilay’

SA KABILA ng malaking kakuklangan sa players umaasa ang Smart-Gilas Pilipinas na kakayanin nilang talunin ang Malaysian Team sa laro nila Huwebes ng hapon, Hunyo 23, sa Britama Sports Arena sa Jakarta, Indonesia.

Ang Nationals ay sasandal sa ten-men rooster na kabilang ang limang player na kundi man may injury ay may karamdaman. Sa kabila nito, buo pa rin ang tiwala ni coach Rajko Toroman na kakayanin ng kanyang mga bataan na madominahan ang apat na grupong laro para makuha nila ang ambisyong makapasok sa FIBA-Asia Championship sa Wuhan, China sa Setyembre.

Ang Wuhan meet ay ang qualifying event para makapasok sa 2012 London Olympics.

Mayroon man o walang karamdaman ang aming mga players, walang makapipigil sa ambisyon naming mapanalunan ang dalawang kompetesyon para matupad ang pangarap ng bansa na makapsok muli sa Olimpiada, tiwalang pahayag ni Serbian coach Toroman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply