Smart-Gilas tuloy ang laban kahit baldado

TUTULOY ang pagsabak sa Ninth Southeast Asian Basketball Tournament (SEABA) ng Smart-Gilas Pilipinas na naka-schedule sa Hunyo 23 hanggang 26 sa Jakarta, Indonesia na may malaking kakulangan sa mga manlalaro.

Sa unang pag-abiso, apat na players na sina Japeth Aguilar, JV Casio, FilAm Chris Lutz at collegiate-standout Dylon Ababou, ay pansamantalang hindi makalalaro sa iba’t ibang kadahilanan.

Ang unang makababangga ng Smart Gilas ay ang Malaysia team na susundan ng Indonesia sa Hunyo 24 bago ang laban sa Singapore kinabukasan.

Ang unang dalawang top team ay magbabanggaan para sa kampyunato sa Hunyo 26.

Dagdag pa sa problema ng Philippine Team ay ang hindi paglalaro nina PBA recruits na sina Asi Taulava ng Meralco, Dondon Hontiveros ng Air21, at nina Kelly Williams at Jimmy Alapag ng Talk N Text na pawang abalang nagsisipaglaro sa kani-kanilang team sa ginaganap na one-round elimination ng PBA Governors’ Cup.

Hindi rin magagamit ni Toroman ang serbisyo nina 7 footer na si Greg Slaughter na lalaro sa Ateneo Blue Eagles at si 6’6″ Aldrech Ramos na tinawagan na ni Coach Bert Flores para makatulong ng FEU Tamaraws sa kanilang kampanya sa UAAP Seniors Basketball League na sisimulan sa Hulyo 9.

Tanging sina Mark Barroca, Marcio Lassitir, Mark Baracael, skipper Chris Tiu, at ang naturalized Filipino na si Marcus Douthit ang natitirang lalaro sa Philippine team.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply