Smoking ban ng MMDA walang sasantuhin

MARIING nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na wala silang sasantuhin o kikilalanin na lalabag sa Anti-Smoking Law simula sa Biyernes, Hulyo 1, 2011.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, lumakas na ang kanilang puwersa ngayon dahil may mga lokal na pamahalaan na rin ang lumikha ng ordinansang susuporta sa kanilang anti-smoking law.

Kabilang na rito ang Muntinlupa, Caloocan, Parañaque at Mandaluyong, bukod pa sa mga nauna nang tumalima tulad ng Quezon at Makati city.

Bsae sa isang buwan na information drive ng ahensya, mahigit 6,000 katao na nahuling nainigarilyo sa pampabulikong lugar ang nabigyan nila ng warning.

Babala pa ni Tolentino, magsisimula na sila ngayong manghuli na may multang P500 o hindi naman kaya ay walong (8) oras na community service.

Sa kabila ng umiiral na batas at ordinansa, nanawagan at nakiki-usap sa publiko ang Department of Health laban sa mga naninigarilyo.

Ipinaliwanag ni Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center, hindi na nila kontrolado ang pagyoyosi ng mga tao dahil ang mismong kemikal na nakapaloob sa sigarilyo ang nagtutulak sa kanila na manigarilyo.

Umapela rin si Tayag sa mga gusto nang mag-quit sa paninigarilyo na bukas ang kanilang tanggapan para matulungan sila na tuluyan nang matigil ang mapanganib na bisyo.

Kahapon lamang nang mabalita na pumanaw dahil sa lung cancer ang dating presidential daughter na si Jo Ramos na dulot nang paninigarilyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply