Smuggled vehicles nakumpiska sa 2 Koreano

SINALAKAY awtoridad ang bahay ng dalawang Korean nationals makaraang matuklasang itinatatago ang limang imported na luxury car na hinihinalang itinatago sa inuupahang bahay sa Angeles City, Pampanga.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga sasakyan na nakumpiska ay ang tatlong Chevrolet Captiva SUVs at dalawang Chevrolet Caprice sedans na pinaniniwalaang pawang mga smuggled.

Nabatid na ang mga suspek na kinilalang sina Min Dong at Chung Jong Ok na kapwa Korean nationals ay sinalakay ng awtoridad sa kanilang bahay sa Carmenville Subdivision pero hindi natagpuan ang mga ito nang isagawa ang raid.

Ayon kay City police chief Rodolfo Recomono ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Omar Viola ng  Angeles City Regional Trial Court.

Ang raid ay ginawa ng Criminal Investigation and Detection Group and Highway Patrol Group-Philippine National Police sa harap ng mga opisyal ng Carmenville Homeowners Association at barangay officials.

Ang mga nakumpiskang sasakyan ay isasailalim sa macro etching para upang masuri kung ang mga ito ay mga smuggled nga.  Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply