Smuggler ng black corals kinasuhan na sa DoJ

IPINAGHARAP na ng kaso sa Department of Justice ang consignee sa mga kontrabando na black coral na nasabat sa Maynila kamakailan.

Kinasuhan ng Bureau of Customs sa DOJ si Exequiel Navarro dahil sa paglabag sa section 91 ng Republic Act 8550 o mas kilala bilang Fisheries Code of the Philippines at section 27 ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.

Bukod kay Navarro, inireklamo din sa DOJ  sina Olivia Lim Li, may-ari ng Zamboanga based Li and Lim Trading na itinuturong nasa likod ng mga kontrabando, Kim Atillano, may-ari ng Zamboanga based JKA Transport System na ginamit sa pagbiyahe ng mga black corals at Ireneo Penuliar, kasama ang iba pa na mga nagtatrabaho naman sa JKA Manila branch.

Batay sa assessment ng BOC, aabot ng P35 million ang halaga ng black corals at endangered marine species na nasamsam ng mga otoridad mula sa kostudiya ng mga respondent.

Sinabi ng BOC na maituturing na attempted smuggling na rin ang insidente at hindi lamang natuloy kaya may iba pang mga reklamong posibleng kaharapin ang mga taong may kinalaman sa nasabing transaksyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply