Snooky aning-aning na?

BUTT of the jokes si Snooky ng ilang reporters noong isang gabi matapos ang 27th Star Awards for Movies na ginanap sa Resort World.

Paano ba naman kasi, feeling daw ni Snooky isa siya sa mga nominees na nang tanungin daw siya ng isang TV crew kung ano ang feeling niya run sa minsan pa, nominated na naman siya this year sa Star Awards.

Ganito raw ang sagot ng favorite actress ni Rodel Fernando, “Oo nga e, nagpapasalamat ako na lagi na lang akong nominated etc, etc, etc… Pero dahil nga ‘di naman siya nominated, binulungan daw siya na hindi naman siya nominated, saka lang siya nagising sa senses niya na nagsabing, “ay oo nga pala, di naman ako nominated etc, etc, etc.”

Hahaha! Nakatatawa talaga si Snooky.

But on a serious note, nakaaawa siya. She seems to be out of her senses at hindi na yung dating Snooky ang humaharap sa mga tao na kahit na ano pa’ng sinasabi niyang nagbago na siya, parang mahirap nang paniwalaan.

Kung ganyan ngang pati simpleng ‘di naman siya nominated pero bira siya nang bira as if nominated siya, aba, there’s something seriously wrong in her mental make-up.

Kahit na ano pang bantay sa kanya ni Rodel Fernando at ni Mio, parang wala nang mangyayari talaga.

Sayang naman!

 

TOM RODRIGUEZ PROMISING HUNK NG LOCAL MOVIES

Sa gabi ng Star Awards, isa si Tom Rodriguez sa mga presentor. Ang aga niya sa venue kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga press na makausap siya nang mahaba-haba. Also,  Tom is one of the nominees para sa Best New Male, pero mukhang wala naman siyang paki.

As if hindi nga niya knows na nominee siya.

But in all fairness, Tom is a hunk to behold. Ang guwapo pala niya na talaga namang kinilig ang maraming press na bading sa kanya. Why should I deny na kami ang pinakakilig dahil ang guwapo-guwapo nga niya.

Pero hindi hanggang dun lang ang dahilan ng paghanga namin kay Tom. For one, he has a great sense na talaga namang matitino ang mga sinasabi. Isa pa, he seems to be sincere sa mga sinasabi niya.

By the way, Tom is from Pinoy Big Brother (PBB) na isang FilAm. At dahil nga guwapo, paglabas niya sa bahay ni kuya, naging artista na siya agad.

Hindi naman naging madali ang break sa kanya, but when one came along sa Here Comes The Bride nga, aba, nag-shine siya nang husto and competed sa ibang cast ng movies ni Chris Martinez.

Heto ka, isa si Tom ngayon sa mga paborito ni Mother Lily at isa siya sa mga binabalak na i-build up in the future. He is already in Temptation Island who plays a very sexy role.

Would he consent to the sexy image building na ginagawa ngayon sa kanya?  “If this is my destiny, let it be, handa ako. I accept the challenge. I will just make sure that I have the body to boot off,” sabi pa nito.

Sa acting deparment naman daw, alam niya ang mga kakulangan niya, but he is willing to train, lahat daw talaga kakayanin niyang gawin.

This Tom is really bet on making acting his lifelong career at wala ngang makapipigil sa kanya.  Maski ang lovelife niya, he is now suppressing alang-alang sa career.

In fact, Tom was telling us that he fell in love kay Princess Banzon na nakasama niya sa PBB at talagang niligawan niya ito. Feeling nga raw niya, sinagot na siya ni Princess, pero nag-usap na muna silang kalimutan muna nila. Sagabal nga naman sa career ang pag-ibig and Tom knows that very well.

Noong araw raw na hindi pa siya nag-aartista, ang hilig daw niyang manligaw. Date daw siya nang date sa United States of America. In fact, nakaseryosohan niya’ng isang Vietmamese girl pero sa wala rin napunta yung love nila.

For now, handang kalimutan ni Tom ang lahat ng bagay na gusto pa niyang gawin alang alang sa pag-aartista.

Nakabibilib, hindi po ba?

 

UK’S ERASE PLACENTA JOINS THE BIG LEAGUE

Hitsura talaga ng ibang placenta soaps na nagyayabang sa showbiz. They always say na sila ang nangunguna, pero sa true, puro satsat lang sila at talagang walang binatbat.

Hindi ba, may dalawang placenta soaps na kesyo ganyan at ganito, nag-away pa, nagdemandahan pero puro dakdak lang. At the most, sa mga small time at pipitsuging affair lang sila nakiki-join.

But not UK’s Erase Placenta. Sir Louie Gamboa is a marketing man at alam na niya ang pasikot-sikot to really be big. At yung paano ka-consider na malaki sa industry. Yes, bakit ka nga naman papatulan kung puro bunganga lang at kulang sa gawa?

Noong Metro Manila Film Fest (MMFF), isa ito sa mga sponsor at ‘yun ay nakita ng lahat nang tao. This year naman sa 27th Star Awards for movies, no less than the glamorous Face Of the Night Award came from this product. Sila talaga’ng nagbigay ng Face of the Night kina Toni Gonzaga at Xian Lim who both personify yung Erase Placenta soap.

And if Louie Gamboa can sponsor this prestigious events, aba talagang sisiw lang sa kanya’ng iba pang placenta soap makers na walang ginawa kundi magyabang lang nang magyabang  na kung maaari ay makilibre lang ng publisidad.

Nasa ibang linya pa si Mr. Louie and we will not be surprised kung maging isa siya sa mga showbiz businessmen in the very near future.

We are looking forward to that!

HIndi ba, kagawad, Gary Sta. Ana?

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply