Snooky nagmukhang matanda sa 27th Star Awards for Movies

MABITUIN na idinaos ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang 27th Star Awards for Movies sa Resorts World Manila noong Martes, ika-21 ng Hunyo, 2011.

Sa Mainstream category, kinopo ng “Tanging Ina Mo… Last Na ‘To” ang mahahalagang awards; Best Movie, Best Director, Best Actress, Best Supporting Actress, Best Child Performer at Best Editing.

Sa Digital Movies naman, kinopo rin ng “Sigwa” ang Best Movie, Best Director, Best Supporting Actor, Best Cinematographer, Best Editor, Best Production Design, at Best Sound Engineer.

Isa itong maningning na gabi kung saan nagsama-sama bilang hosts sina Boy Abunda, Ai Ai delas Alas, Jericho Rosales at Toni Gonzaga, samantalang naging mabituin ang tanghalan sa paghahandog ng special numbers nina Gary Valenciano, Vina Morales, Erik Santos, Jericho Rosales, Richard Poon, Maja Salvador, Matteo Guidicelli, Erich Gonzales, Pauleen Luna, Gab Valenciano, Rodjun Cruz, Ejay Falcon, Matt Evans, at iba pa.

Marami ang nakapansin na pinakamaganda ang boses ni Matteo nu’ng  sabay-sabay silang kumanta nina Ejay Falcon at Matt Evans bago tanggapin ni Boyet De Leon ang Ulirang Artista Lifetime Achievement Award sa loob ng 37 years niya sa showbiz. Sila ang kumanta ng signature song ni Boyet na ‘Crush Kita’. SI Matteo parang kaboses daw ni Boyet nu’ng bata pa. Sana raw ay maging next Boyet de Leon din ito.

Dahil naaksidente si Gretchen Barretto ay hindi siya natuloy na host ng Star Awards. Tinawag ni Kuya Boy na Gretchen si Ai Ai. Patalikod naman at patagilid na naglakad si Ai Ai palapit sa kanya. Nagkabiruan din sila kung ano ano’ng meron si Ai Ai na wala kay Gretchen.

Pakomedyanteng sagot naman ni Ai Ai na nakadalawang tropeyo na siya sa Star Awards for Movies. Tawanan ang mga tao. In fairness kay Gretchen, may dalawang tropeyo rin siya bilang best acress ng Star Awards for TV.

Marami rin ang naloka sa hitsura ni Snooky Serna nu’ng gabing ‘yun. Nagmukha siyang matanda sa kanyang salamin. Dapat daw ay nagsuot na lang ito ng contact lens. Pero lumilitaw pa rin ang kanyang kagandahan.

Tawanan din kay Snooky dahil may isang tv reporter na tinanong siya kung ano ang feeling niya na nominado siya ng Star Awards. Nakakaloka dahil sinakyan ni Snooky ang tanong samantalang nandoon lang siya bilang presenter. “Oo nga e, nagpapasalamat ako na lagi na lang akong nominated etc, etc, etc… Pero dahil nga di naman siya nominated, binulungan siya na hindi siya nominado sabay sabing, “Ay sorry, hindi pala ako nominado.” Character talaga si Kukay!

Kabaligtaran naman kay Tom Rodriguez na nominado sa New Movie Actor of the Year. “Nominado ba ako?” say niya na ang feeling naman niya ay nandoon lang siya bilang presenter.

Nag-react naman si Direk Joel Lamangan sa kanyang upuan sa explanation ni Toni Gonzaga tungkol sa crowd director na kung saan ay doon nagsimula si Direk Joel.  Sabi ni Toni eto raw ‘yung sumisigaw at sumasaway sa crowd. “Maliii. Hindi naman ganoon,” sey ni Direk Joel.

Ang sinasabi kasi ni Toni ay crowd control. Ang crowd director ay ‘yung nag-aayos ng blockings at kung paano makukunan ng kamera, ‘yung malaking crowd sa eksena gaya ng rally at gaya ng mga eksena sa pelikulang ‘Himala’.

Ayaw magpainterview ni Toni at nag-stay sa dressing room dahil ayaw matanong sa John Prats at Rachelle Ann Go split-up. Matatandaan na siya ang unang nag-announce sa ‘The Buzz’.

May report naman sa Philippine Entertainment Portal (PEP )Alert na bakit tinanghal siyang Female Star of the Night samantalang wala naman siya. Nandoon na siya sa venue dahil isa siya sa mga host. Hindi lang natawag agad sa backstage at nu’ng papunta na sa stage, hindi na niya nahabol.

Hindi niya lang personal na natanggap ang award kaya nire-shoot ang naturang special award pagakatapos ng awards night. Mapapanood pa rin sa TV ang kanyang acceptance speech  ganoon din sa Darling of The Press na si Gov. Er Ejercito na ipinaglaban ng PMPC sa scriptwriter at production na  dapat ay may acceptance speech yan dahil importanteng kategorya  ‘yan ng Philippine Movie Press Club.

Maya kaba factor naman ang kampo ni Tirso Cruz III kung maiuuwi niya ang Movie Supporting Actor Award dahil nagdududa sila na baka si Coco Martin ang tawagin o Enchong Dee na nandoon din sa parangal.

Tawanan din ang mga tao sa acceptance speech ni Eugene Domingo na nananalong Movie Supporting Actress of the Year para sa “Tanging Ina Mo… Last na ‘To.”  Sey niya kay Ai Ai delas Alas “I will miss you sa next MMFF. Ipinagpalit mo ako kay Vic Sotto. Sige magtusukan kayo.”

Marami rin ang nagtatanong sa PMPC kung bakit wala si Carla Abellana para tanggapin ang New Movie Actress of the Year at ang talent manager lang niya na si Arnold Vegafria ang tumanggap ng tropeyo?

Hindi kaya pinayagan ng GMA 7 dahil sa ABS-CBN ipalalabas?

Ang lakas naman sa tao ni Coco Martin. Lagi siyang tinitilian at pinapalakpakan pag nababanggit ang name niya. Deserving siyang manalong Movie Actor of the Year para sa “Noy.”

Ang 27th Star Awards for Movies will be telecast this Sunday, June 26, at about 10:45 p’m., on ABS-CBN’s Sunday’s Big Event.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagsipagwagi:

  • MOVIE ACTRESS OF THE YEAR
    • AI AI DELA ALAS / TANGING INA MO, LAST NA “TO / STAR CINEMA
  • MOVIE  ACTOR OF THE YEAR
    • COCO MARTIN / NOY / CINEMEDIA FILMS INC AND VIP ACCESS MEDIA PRODUCTIONS
  • MOVIE OF THE YEAR
    • TANGING INA MO, LAST NA ‘TO / STAR CINEMA
  • DIGITAL MOVIE OF THE YEAR
    • SIGWA / BEGINNINGS TWENTY PLUS PRODUCTION, SINENG TOTOO PRODUCTION AND STAR EXPRESS
  • MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR
    • WENN DERAMAS / TANGING INA MO, LAST NA ‘TO / STAR CINEMA
  • DIGITAL MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR
    • JOEL LAMANGAN / SIGWA / BEGINNINGS TWENTY PLUS PRODUCTION, SINENG TOTOO PRODUCTION AND STAR EXPRESS
  • MOVIE SUPPORTING ACTRESS OF THE YEAR
    • EUGENE DOMINGO / TANGING INA MO, LAST NA ‘TO / STAR CINEMA
  • MOVIE SUPPORTING ACTOR OF THE YEAR
    • TIRSO CRUZ III / SIGWA / BEGINNINGS TWENTY PLUS PRODUCTION, SINENG TOTOO PRODUCTION AND STAR EXPRESS
  • MOVIE CHILD PERFORMER OF THE YEAR
    • TIMOTHY CHAN / HERE COMES THE BRIDE / STAR CINEMA / QUANTUM FILMS and OCTO ARTS FILMS
    • XYRIEL MANABAT / TANGING INA MO, LAST NA ‘TO / STAR CINEMA
  • NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR
    • CARLA ABELLANA / SSR 12 PUNERARYA EPISODE REGAL ENTERTAINMENT, INC.
  • NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR
    • MARTIN DEL ROSARIO / DAGIM / CREATIVE PROGRAMNS, INC.
  • MOVIE EDITOR OF THE YEAR
    • MARYA IGNACIO / TANGING INA MO, LAST NA ‘TO / STAR CINEMA
  • DIGITAL MOVIE EDITOR OF THE YEAR
    • BEBS GOHETIA / SIGWA / BEGINNINGS TWENTY PLUS PRODUCTIONS, SINENG TOTOO PRODUCTIONS AND STAR EXPRESS
  • MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR
    • JOEY LUNA AND MIKI HAHN / ROSARIO / CINEMABUHAY INTERNATIONAL AND STUDIO 5
  • DIGITAL MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR
    • EDGAR MARTIN LITTAUA / SIGWA / BEGINNINGS TWENTY PLUS PRODUCTIONS, SINENG TOTOO PRODUCTIONS AND STAR EXPRESS
  • MOVIE ORIGINAL SCREENPLAY OF THE YEAR
    • JERRY GRACIO /EMIR / FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES
  • DIGITAL MOVIE SCREENPLAY OF THE YEAR
    • JERROLD TAROG / SENIOR YEAR / DIGITANK STUDIOS AND METRIC FILMS
  • MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR
    • NEIL DAZA /EMIR / FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES
  • DIGITAL MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR
    • MONINO S. DUQUE / SIGWA / BEGINNINGS TWENTY PLUS PRODUCTIONS, SINENG TOTOO PRODUCTIONS AND STAR EXPRESS
  • MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR
    • JOSEFINO CHINO TOLEDO / EMIR / FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES
  • DIGITAL MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR
    • JERROLD TAROG / SENIOR YEAR / DIGITANK STUDIOS AND METRIC FILMS
  • MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR
    • LAMBERTO ‘BEBET’ CASAS, JR. / SRR XII (PUNERARYA EPISODE) / REGAL ENTERTAINMENT
  • DIGITAL MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR
    • ALFREDO ‘DODOY’ ONGLEO / SIGWA / BEGINNINGS TWENTY PLUS PRODUCTIONS, SINENG TOTOO PRODUCTIONS AND STAR EXPRESS
  • MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR
    • “BAKIT AKO NARIRITO” from the movie ‘EMIR’.Composed by GARY GRANADA. Interpreted by FRENCHESKA FARR
  • DIGITAL MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR
    • “NAPAPAGOD DIN ANG PUSO” from the movie “TARIMA”.Composed by SHERWYNCASTILLO. Interpreted by MJ RINGOR
  • DARLING OF THE PRESS
    • ER EJERCITO
  • ULIRANG ARTISTA LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD
    • CHRISTOPHER DE LEON
  • ULIRANG ALAGAD NG PELIKULA SA LIKOD NG KAMERA
    • LILY MONTEVERDE

Pinagkalooban ng Special Awards sina Xian Lim bilang Male Face of the Night at si Toni Gonzaga bilang Female Face of the Night.

Natanggap din ni Toni Gonzaga ang Female Star of the Night at si Richard Gomez ang Male Star of the Night. Samantalang si Vina Morales ang tinanghal na Celebrity Skin Award.

***

NANALO ng isa na namang International Gold Quill award ang ABS-CBN Corporation para sa election campaign nitong “Boto Mo, iPatrol Mo” na siyang unang nagbalita ng naganap na Maguindanao Massacre, tumulong sa pagtaas ng bilang ng mga  bagong botante noong 2010 halalan, at nakahimok sa mga mamamayan na isulong ang pagbabago.

Sa pamamagitan ng sa BMPM kung kaya pinakaunang nag-ulat ang ANC o ABS-CBN News Channel sa naganap sa Maguindanao at nalaman ng buong mundo ang tinaguriang pinakanakakagimbal na karahasang ginawa sa mga mamamahayag nang isang Boto Patroller ang nagpadala sa ABS-CBN ng pinakaunang larawan mula mismo sa crime scene.

Ipinamalas ng naturang Boto Patroller kung ano tunay na diwa ng BMPM at iyon ay ang pagsisimula ng pagbabago ng mga ordinaryong Pilipino sa pamamagitan ng pagbubunyag sa publiko ng riyalidad sa kani-kanilang lipunan nang sa gayon may gawin ang pamahalaan tungkol dito.

Inilunsad ng ABS-CBN ang Boto Mo, iPatrol Mo isang taon bago isagawa ang 2010 national elections at ipinakilala sa bansa ang konsepto ng citizen journalism kung saan binigyan ng kapangyarihan ang mga mamamayan na i-patrol ang kanilang mga boto gamit ang makabagong teknolohiya at humamon sa kanila sa simulan ang pagbabago sa bansa.

ABS-CBN lamang ang tanging Philippine broadcasting network na pinarangalan ng prestihiyosong International Association of Business Communicators (IABC) ng International Gold Quill para sa kampanya at coverage nito noong eleksyon na BMPM na nagkamit na rin ng parangal noong 2010 mula sa Philippine Quill Awards at Anvil Awards.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply