So nakisosyo sa liderato

PINISAK ni Filipino Grandmaster Wesley So si Spanish GM Alexei Shirov sa second round ng 19th annual Sigeman chess championship na ginanap sa Classic Hipp Theather, Central Malmo sa Malmo, Sweden nitong Biyernes, Hunyo 10.

Matagumpay na naisulong ng 17-anyos na si So ang puting piyesa  at nagwagi sa 59 moves ng Slav defense ayon sa kanyang manager na si sportsman/ businessman Reginald Tee.

Ang young Filipino chess wizard na suportado ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman/president Prospero “Butch” Pichay, Jr. ay nakisalo sa first hanggang thrid place kasama sina defending champion GM Anish Giri ng Netherlands at GM Hans Tikkanen ng Sweden sa hawak na 1.5 points.

Si Giri na tabla kay So sa opening round ay kinaldag si GMs Nils Grandelius ng Sweden. Habang si Tikkanen ay tabla din sa kanyang kababayan na si GM Jonny Hector ng Sweden. Una munang nanalo si Tikkanen kay Grandelius sa first round.

Sa third round of play, tangan ni So ang dehadong itim na piyesa kontra kay Tikkanen, karibal naman ni Giri si Shirov at katapat naman ni Grandelius si Hector.

Ang six-player, round-robin tournament ay inorganisa ng Limhamn Chess Club at suportado ng Swedish law firm Sigeman and Co.

Si GM Ferdinand Hellers ng Netherlands ay may hawak na distinction na bukod tanging three-time winner sa torneong ito sapul ng kunin ang inaugural edition noong 1993 at matagumpay na naidepensa ang titulo noong 1994 at iuwi din ang korona noong 1997.

Si former world championship contender GM Nigel Short ng England ang double winner naman ng kunin ang edisyon noong 2002 at 2009.

Ang iba past Sigeman winners ay sina GM Tiger Hillarp Person (2008), GM Ivan Cheparinov (2007), GM Jan Timman (2006), GM Krishnan Sasikiran (2005), GM Peter Heine Nielsen (2004), GM Vassily Ivanchuk (2003), GM Boris Gulko (2001), GM Judit Polgar (2000), GM Boris Gelfand (1999), GM Joel Lautier ( 1998), GM Viktor Kochnoi (1996), at GM Ivan Sokolov ( 1995). Liberty Icao

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply