Sobrang buwis sa solar, inupakan ni Osmena

HINDI umano makatuwiran na payagan ng pamahalaan na muling sumingil nang mas mataas na buwis sa paggamit ng solar energy ang Department of Energy upang punan ang kakulangan ng suplay ng kuryente sa bansa.

Ganito ang pagbatikos ni Sen. Sergio Osmena sa namimintong pagpatong ng panibagong dagdag na singilin sa halaga ng kuryente sa bansa sakaling maipatupad kaagad ng pamahalaan ang solar energy na magbibigay ng dagdag na 100 MW sa halagang P17.95 kada kilowatt hour.

Sinabi ni Osmena na mas mainam na gumamit ngpamahalaan ng mini-hydro na sisingil lamang ng P6.15/Kwh , P7/Kwh sa biomass energy at P10.37/Kwh para sa wind power. Magpapataw naman ng P19.95 ang ocean energy ngunit 10 MW lang ang alokasyon dahil ito ay experimental technology pa lamang.

Nagbabala si Osmena na magreresulta ang panukala ng National Renewable Energy Board (NREB) ng karagdagang singilin sa consumer sa loob ng 20 taon. Sa unang tatlong taon pa lamang umano ng pagpapatayo ng solar energy, maglalaan ang pamahalaan ng P1.7 bilyon kada taon at karagdagang P1.4 bilyon kada taon sa susunod na 17 taon ang dagdag na singilin.

“The NREB proposal for on-grid solar energy is like buying a Mercedes Benz when there are still Hyundais, Nissans and Toyotas available at less than half the price,” paliwanag ni Osmeña.

Aniya, hindi dapat ngayon gumamit ng solar energy ang pamahalaan dahil masyadong mahal pa ang solar panel. Tiniyak umano ng mga energy expert na babagsak ng 50% ng halaga ng solar panel sa susunod na limang taon.

“That would be the proper time to consider using solar energy, a P9/kWh rate for 20 years would certainly be more tolerable,” dagdag niya.

Idinagdag pa ni Osmena na kung mas maglalaan ng malaking alokasyon sa biomass plant, mabibigyan ng karagdagang kita ang mga magsasaka sa pagbebenta ng kanilang rice husk o ipa, bagasse, wood chips at iba pang produkto para gawing gatong.

Iginiit pa ni Osmena na hindi pinapayagan sa Renewable Energy Act na magkaroon ng alokasyon ng 100MW sa solar energy.

Habang sumusuporta sa instalasyon ng 20 MW solar plant sa Mindanao, ipinanukala niya na gamitin at paghatiin ang natitirang 80 MW ng solar energy allocation sa biomass energy na magbibigay ng dagdag na kita sa magsasaka at mini-hydros na mapapalawig ang small irrigation projects.

Sinabi pa ni Osmena na mas makabubuting gamitin ang solar energy sa mga off-grid areas o lugar na hindi nabibiyayaan ng kuryente sa main grid na hihigit pa sa 200 MW.

“The DOE should exercise extreme caution in the implementation of the FIT System considering that it imposes additional costs on the consumers particularly in the early years. Solar energy, if introduced in haste, will unnecessarily burden the consumer,” dagdag ni Osmeña. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply